Viva Hot Babe Jaycee Parker robbed by three men in Sta Mesa


On her way home yesterday, sexy actress Jaycee Parker was robbed by three unidentified men inside a taxi cab. The suspects were caught after a shootout with the policemen who rushed to the scene.


Nabiktima ng tatlong holdaper ang Viva Hot Babe na si Jaycee Parker kahapon, July 19, sa Sta. Mesa, Manila.

Natangay mula sa aktres ang tinatayang tatlumpung libong piso, alahas, cellphone, at iba pang personal na gamit.

Ayon sa ulat ng GMA News, sumakay ng taxi si Jaycee pauwi sa Bacood, Sta. Mesa, mula sa kanyang rehearsal sa Malate, Manila. Pagdating sa Zamora Interlink, na-traffic ang sinasakyan niyang taxi. Kinuha ng tatlong suspek ang pagkakataong ito upang makapasok sa loob ng taxi at saka tinutukan ng ice pick ang sexy star.

Ngunit dahil matao sa lugar nang maganap ang insidente, mabilis na naiulat ito sa pulisya. Agad namang rumesponde ang mga pulis at nakipaghabulan, kasama si Jaycee, pero nanlaban at nakipagbarilan pa ang mga holdaper.

Ayon kay Jaycee, "Wala sa utak ko 'yong tatamaan ako ng bala. Wala sa utak ko 'yong mamamatay ako, puwede akong mamatay, wala talaga sa utak ko, e."

Nahuli ang tatlong magnanakaw at tuluyang ipinakulong ni Jaycee. Pahayag pa ni Jaycee nang humingi ng tawad ang mga magnanakaw, "Sorry? Nang hoholdapin ba nila ako, nagso-sorry ba sila noon? Kung hindi ko nakita 'yong isa, tinamaan ako ng ice pick dito [upper right chest]."

Samantala, napasugod naman ang dating kasintahan ni Jaycee na si Danilo Barrios sa presinto upang magbigay ng suporta sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN