PBB ex-housemate Say Alonzo airs grievance against talent manager Arnold Vegafria


After keeping her peace since the May elections, Say Alonzo (left) says an earful about her former manager Arnold Vegafria (right), who has allegedly threatened to have her blacklisted.



One year and three months tumagal ang manager-talent relationship nina Arnold Vegafria at Say Alonzo sa ALV Productions.



Pero kailan lang, nabalitaang wala na raw sa poder ni Arnold—na siya ring manager ni Dina Bonnevie—si Say at ilan pang mga artists na nauna nang umalis sa management ni Arnold.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Say sa MusicMatch KTV bar sa Tomas Morato, nasabi nitong wala naman siyang pinirmahang kontrata kay Arnold at lahat daw ng kanilang usapan ay verbal agreement lang. She was co-managed by Arnold and ABS-CBN's Star Magic.



Nangyari raw ang gulo sa pagitan nila during the campaign period for the May 14 elections, kung saan si Arnold ay isa raw ardent supporter ng senatorial candidate na si Miguel Zubiri. Kaya lahat raw ng alaga ni Arnold ay panay ang salang sa sunud-sunod na kampanya ni Zubiri.



Natural naman daw na may mga existing bookings na for Say ang Star Magic, kaya ang mga ganoong bagay ay hindi puwedeng masagasaan ng schedule from Arnold's end.



Kuwento ni Say, "At saka ‘yung isang campaign naman na hindi ko napuntahan was when I had a sked na in Cebu dahil kami ni Uma [Khouny] ang naglilibot as hosts para sa promo ng Rounin sa iba't ibang lugar. Hindi kami kasama sa fantaserye, pero sa promo, kami ‘yung nagho-host ng mga shows in different places.



"'Yung particular date na gustong kunin ni Arnold, e, ‘yung naka-sign na ako sa Star Magic even before pa. Sinabihan niya ako na ipatanggal ko na ang sarili ko dun sa Cebu hosting para puntahan ko ‘yung campaign niya. Siya raw ang sundin ko dahil siya ang manager ko. Yes, nagalit siya.



"I called him to explain to him na hindi naman ganoon ‘yon. Na when he got me naman, nasa Star Magic ako. Kaya nga co-manager siya, e. But after that, kapag tinatawagan ko na siya, hindi ko naman mahagilap. Lagi lang sinasabi nung sumasagot sa office niya na may meeting siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nung una akong tumawag sa kanya, na sumagot siya, sinisigawan niya ako over the phone kaya naiyak na ako. Nung hindi ko na makaya, ipinasa ko sa Mom ko ang phone para siya ang kumausap. Kaya lang, sumisigaw na nga siya. So, for a while, hindi muna ako nagsasalita.



"Akala naman niya, ‘yung hindi ko pagsasalita, e, hinang ko ang phone. Sabi ko naman sa kanya, I was just trying to compose myself siyempre. Hindi ako sanay ng ganoon na sinisigawan. That was in April. Since then, panay na ang text ko sa kanya para mag-usap kami at ayusin ang dapat na ayusin. Pumupunta pa ako ng office niya, pero laging sinasabi sa akin na he's in a meeting. Busy raw. Ang mali ko, lagi kong sinasabi sa office niya na pupunta ako.



"Kaya nung time na nag-decide na ang Mom ko na it would be better na ilagay na lahat in black and white ang mga bagay-bagay, na kailangang idaan ko na sa sulat, siya dapat ang magdadala ng sulat sa office ni Arnold, pero sabi ko, ako na lang. And I didn't tell anyone in their office na pupunta ako. Nandun naman siya at may meeting lang. So, sinabi ko na I'll wait na matapos ang meeting niya.



"Nakapasok naman ako in his office. Sabi ko sa kanya, ‘I want to talk with you.' And iniabot ko sa kanya ‘yung letter ko. Inabot niya lang, tapos nilamukos na, and he told me, ‘Hindi ko kailangan ‘yan!'

"Nung una, maganda pa ‘yung batian namin, e. Sabi ko sa kanya, ‘ I think you know why I am here.' And then, sinasabi niya sa akin na dapat daw noon pa niya ako ni-let go. Kasi, ayaw niya raw ng taong hindi sumusunod sa rules niya. And I tried to explain na the only thing na hindi natuloy ang sked ko sa gusto niya was that particular day sa campaign period where I had to be in Cebu because of a commitment with Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi raw ako sumusunod sa kanya. Tine-turn down ko raw ang mga booking nila. E, sabi ko, I can only think of that time na the only thing na hindi nasunod. Tapos, nag-e-enumerate na siya ng kung anu-anong hindi ko raw ginawa. Sabi niya, ang sked daw for the campaign, naka-package na sa lahat ng artists niya. So, walang sked na dapat masira.



"Wala naman akong problema with him nung una. Dahil kahit na nga anong TF [(talent fee] ang ibigay niya o ilagay for me, wala siyang naririnig from me. I just do my job. And I accept all of his bookings, except for that one time nga in April. Sabi niya, dahil daw sa ginawa ko, he lost millions kasi package daw ang TEAM Unity. Pag wala raw o kulang ang isa, wala lahat. E, I've been trying to explain to him na mas nauna na nga ‘yung Cebu and alam naman nila ‘yon. E, gusto niya talaga kunin ‘yung date ko for Cebu dahil Saturday ‘yon," mahabang paliwanag ni Say.



Hindi ba nagtse-check ang opisina ni Arnold with Star Magic para hindi sila nagkakasagasaan ng mga schedule nila?



"Ang alam ko, they are doing that," sabi ni Say. "Kasi when you check my contract with Star Magic, nakalagay na lahat doon kung ano ang mga schedules na gagawin ko na, siyempre, hindi na puwedeng masagasaan."



Ibig bang sabihin nito ay ang Star Magic pa rin ang may priority as manager, para sa kanya, dahil co-manager lang ang papel ni Arnold?



"Yes," sagot ni Say. "That's what I know kasi nga wala naman akong contract with him. Pero after that, nakakatanggap na ako ng mga balita coming from him na ipapa-black list niya raw ako sa PAMI [Professional Association of Managers, Inc.] at pati ‘yung mga gagawin kong movies with Regal, ipapaalis niya ako o ipapa-stop niya. Maba-ban na raw ako sa lahat ng mga i-negotiate niya. Kasi raw, sa kanilang mga Chinese, null and void ‘yung ganoong pagsira raw sa napagkasunduan. Sabi pa niya, ‘Tingnan natin kung may kukuha pa sa ‘yo.' Kaya good luck na lang daw sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung ganoon, galit sa kanya si Arnold?



"Hindi raw siya galit. Hindi ko nga siya maintindihan dahil pati ang Mom ko, napagsalitaan niya, ‘Your daughter is like that... ganyan-ganyan.' Kaya sinasagot naman siya ng Mom ko. Kasi, ako, sa naging working experience ko naman with ZsaZsa Zaturnnah, with Super Inggo, pati na sa Wazzup Wazzup, they all liked me naman. ‘Yung mga staff na nakasama ko," sabi ng Pinoy Big Brother Season 1 ex-housemate.



Ano ang nararamdaman ngayon ni Say tungkol kay Arnold?



"Masama pa rin ang loob ko," pag-amin niya. "For my manager to make me feel so low... Kasi when he got me, ang sinabi niya, he will make me raw a big star. Ako naman, basta may matino akong work...fine. Kaya nga hindi ako nagiging pasaway. Sinusunod ko lahat. And now this."



Kung maaayos naman ito at puwede pa rin naman silang magkasundo as talent and manager, okay pa rin ba kay Say?



"Kung kausapin niya ako uli? Ayoko na!" huling pahayag ni Say.

At press time ay kinukuha ng PEP ang panig ni Arnold Vegafria tungkol sa mga akusasyon ni Say laban sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN