Jay-R replaces Zanjoe Marudo as Ruffa Gutierrez's leading man in "Desperadas"


Singer-actor Jay-R takes over the role originally intended for Pinoy Big Brother's Zanjoe Marudo in Desperadas. Jay-R will play Ruffa Gutierrez character's love interest.



Kumpirmado na ang balitang ang Prince of R&B and actor na si Jay-R ang siyang gaganap bilang love interest ni Ruffa Gutierrez sa Desperadas, ang comeback movie ni Ruffa. Kasama rin sa cast sina Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, at Iza Calzado.



Ang Desperadas ay isa sa official entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival, sa direksiyon ng multi-awarded filmmaker na si Joel Lamangan.



Ayon sa isang highly-placed source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng ilang araw na paghahanap ng rightful leading man for Ruffa, finally si Jay-R ang nagwagi.



Naging maingay ang Desperadas sa pagbuo pa lang ng casting nito. Last year pa ito naplano over at Regal with the original cast sanang sina Ruffa, Gretchen Barretto, Pops Fernandez, and Dawn Zulueta. Si Ruffa lang ang natuloy.



As for the role of Ruffa's boyfriend, una itong nai-offer sa actor-model na si Zanjoe Marrudo, na after nakausap ng Regal ang ABS-CBN at umoo na, last minute ay nag-backout dahil diumano sa conflict of schedules.



Nai-consider din para sa role ng boyfriend ni Ruffa ang ilan pang mga pangalan like Richard Gomez, Zoren Legaspi, John Estrada, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, atbp. Pero hindi nga naging swak ang ilang mga bagay-bagay para mapunta sa kanila ang said role.



Hanggang sa napagkasunduan na rin ng mga taga-Regal, with the blessing of Mother Lily Monteverde, na si Jay-R na ang final choice. Nakapagsimula na rin kasi ng shooting ang Desperadas at hindi na nila kaya pang mag-aksaya ng oras.



Ang role ni Ruffa dito ay bilang isa sa apat na magkakapatid na panay ang gastos hanggang sa maubusan na ng pera.



Ang role naman ni Jay-R ay boyfriend ni Ruffa na eventually ay magiging underwear model. The role calls for a sexy, tall guy na puwedeng maging briefs or trunks model, na nagawa na ni Jay-R for Bench Underwear billboards at maging sa fashion shows—na malamang ay naging edge ng alaga ni Arnold Vegafria sa ibang actors na na-consider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN