Jolina Magdangal says "No" to live-in with boyfriend Bebong Munoz


Marriage first—and a live-in arrangement is no-no for Jolina Magdangal, who stands by her upbringing for her convictions, rather than just preserving her wholesome image in showbiz.



"Hindi ko masasagot ‘yan, hindi ko masyadong naiisip ‘yan," simpleng sagot ni Jolina nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano na siya kayaman ngayon.

"Siyempre, may mga investments din naman, at merong mga gastos everyday," dagdag na pahayag ng multimedia star.

Anu-ano ba ang mga investments niya?

"Ang alam ko... basta ‘yung mga bahay, mga ganun—‘yung sa Tagaytay, ‘yung sa Quezon City, saan pa ba? Tapos sila mommy, meron silang mga investments," sagot niya.

Tungkol naman sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz, dahil hindi pa nila itutuloy ang plano nilang pakasal, papayag kaya si Jolina na mag-live-in muna sila?

"Hindi po, hindi po!" mariin niyang sagot.

Makakasira ba ito kung saka-sakali sa wholesome image niya?

"Hindi na sa image, e. It's not anything na about showbiz. Hindi lang talaga... ang naiisip ko, siguro, ang pagpapalaki sa akin, dapat kasal muna. Ganun. Siguro ‘yon ‘yung sinasabi ko, kasi ‘yon ‘yung paniniwala ko. Sinasabi ko nga lagi, everyday you learn from everything. Malay natin, baka after two weeks, or bukas, maisip ko na ‘Teka, bakit nga ba hindi muna mag-ano?' Pero sa ngayon, hindi ko naiisip ‘yan.

"Alam mo, basta ako, ang pag-uugali ko, kung ano ‘yung nararamdaman ko sa oras na ito, ‘yon ang sinasabi ko. Kumbaga, hindi ako natatakot sa kahit na anong bagay. Gusto ko, nagta-try ng mga bagong bagay-bagay. Siguro, childish man ako, or hitsura ko ganito, pero alam ko na pag meron akong gawing isang bagay na pinag-isipan kong mabuti, hindi ako natatakot," paliwanag ni Jolina.

Halimbawang mabuntis siya nang hindi pa sila kasal ni Bebong, itatago ba niya sa takot na baka masira ang image niya?

"Bakit ko itatago, di ba?" sagot niya. "Para naman sa akin, kumbaga, may image man ako na ganun, kung mangyari ‘yon, siguro kailangan ko ring sisihin ang sarili ko dahil bakit hindi ako nag-ingat or kung anuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero merong isang human being sa loob mo, tapos parang... Bakit mo siya itatago? Lahat naman, nagkakaroon ng mistake. Pero siguro dapat kong isipin kung mistake ko ba ‘yon or ginusto ko 'yon, ‘di ba? So depende 'yon. Kung mistake, bakit hindi? Kung hindi mistake, bakit din hindi?"

Pero mukhang malabo ngang suungin ni Jolina ang ganitong sitwasyon dahil very obvious naman na maayos ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Isa pa, focused sa kanyang trabaho si Jolina, the latest being her movie with GMA Films, ang Ouija, in which she shares top billing with good friend Judy Ann Santos.

Samantala, hiningan din ng PEP ng komento si Jolina tungkol nababalitang paglipat ng kasamahan niya sa GMA-7 na si Angel Locsin sa ABS-CBN. Gaya kasi ni Angel ay nasuong din si Jolina sa ganitong sitwasyon nang lumipat siya from ABS-CBN to GMA-7.

Ayon kay Jolina, "Ang tagal ko nang wala sa ABS para makapag-comment ng ganun, and hindi ko alam kung ano ang nasa saloobin ni Angel kung sakaling totoo man ‘yon. Hindi ko kasi alam kung totoo o hindi. Kung totoo man ‘yon, baka meron siyang nararamdaman kaya niya gagawin 'yon.

"Kasi ang drastic nun, e. Iyong gagawin niya na ‘yon. Hindi niya gagawin ‘yon kung wala siyang nararamdaman, di ba? O kaya, matinding rason, parang ganun. So ngayon, kung hindi naman totoo ‘yon, e, di okay. At least walang problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN