PEP EXCLUSIVE: Jomari Yllana plans to study again and prepare for political career


"Mag-aaral ako. Politics. Kasi, tutuloy pa rin ako sa pagtakbo. I am aiming to become a congressman.... Iyon ang interes ko now," reveals actor-businessman Jomari Yllana.



Sa presentation ng candidates ng Be Bench model search last July 19 sa Manila Mandarin ay nasolo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Jomari Yllana, who graced the occasion with lady love Pops Fernandez.

Katatapos lang makawala ni Jomari sa ibang entertainment press na walang puknat ang tanong sa kanya tungkol sa mga isyu kay Pops. Sabi nga ng aktor ay wala naman daw siyang kinalaman kaya pawang "no comment" lang daw ang naisasagot niya.

Kaya, ang sandaling pakikipagkuwentuhan namin sa kanya ay sumentro sa nagaganap sa buhay niya ngayon.



Una, sa kanila ni Pops na tinatawag niyang "Bunny" at minsan naman ay "Hunny."



"Never been better! We're okay. Wala naman kaming nagiging problema," sabi ni Jomari tungkol sa kanyang girlfriend.

Hindi gaanong visible ngayon si Jomari sa TV man o pelikula, kaya pinagbibintangan siyang jobless at umaasa na lang kay Pops.



"Nagpahinga lang ako after ng pagka-campaign ko for my brother Anjo," sabi niya. "Pero as far as my being a businessman is concerned, tuluy-tuloy pa rin ‘yung puwesto ko sa mga car accessories ko and services in Clark.



"I'll let you in on a new business venture na pinasok ko recently. And I would say na it's big time. Nag-franchise kasi ako ng isang branch ng Rapide [auto service center] na very soon, sa Clark ilalagay, sa tabi nung dati kong business there. So, that's what's taking most of my time now.



"After campaigning naman for Anjo, nag-rest din naman ako. E, wala pa namang dumarating na trabaho. Hindi naman ako puwedeng nakatanga na lang kaya business ang inasikaso ko.



"If people think otherwise, na porke wala akong trabaho in front of the cameras, e, nagiging bum na lang ako, hindi ko ‘yon mapipigilan. I've got my own life to live. Alam kong wala naman akong ginagawang masama for it to get complicated. Ang tahimik ko nga lang, e. Kasi, marami akong iniisip, marami akong pinaplano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



So, hindi lang ang showbiz o entertainment ang mundo mo?



"You can say that again. And here's another secret, pero puwede mo na ring isulat kasi malalaman at malalaman din naman eventually... Mag-aaral ako. Politics. Kasi, tutuloy pa rin ako sa pagtakbo. I am aiming to become a congressman. Kasi, marami sa mga tumatakbo sa atin sa business ang hindi nagbibigay ng thought about the Congress. So, ako, ‘yon ang gusto kong pasukin. Iyon ang interes ko now," pagbubunyag niya.

Noong nakaraang May 14 elections ay matatandaang nag-file ng kanyang candidacy si Jomari for councilor sa Parañaque. But at the last minute ay nag-backout ang aktor. Ano nga ba ang dahilan at umurong siya?



"Natakot ako," pag-amin niya. "Na-realize ko lang bigla na, teka, parang wala pa akong kaalam-alam sa papasukin ko. Bakit ba hindi na lang muna ako mag-aral? Marami pa namang panahon for that.

"Siguro, ‘yung rubdob ng gusto kong masundan ang yapak ng kapatid kong si Anjo ang nagtulak sa akin para mag-decide to plunge into politics. Pero siyempre, at the end of the day, naisip ko rin, ano naman ang magagawa ko ng ganun lang?" pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN