Diana Zubiri and Juliana Palermo grace Bangkok filmfest opening


Juliana Palermo (left) and Diana Zubiri (right) at the red carpet during the opening night of the 5th Bangkok International Film Festival.



Nag-enjoy nang husto sina Diana Zubiri at Juliana Palermo sa limang araw na pamamalagi nila sa Bangkok, Thailand.



First time ng dalawa na magkasama sa abroad dahil sa imbitasyon ng Tourism Authority of Thailand (TAT) na dumalo sila sa opening night ng 5th Bangkok International Film Festival (BIFF), sa Central World Plaza noong Huwebes, July 19.



Malaki ang pasasalamat nina Diana at Juliana sa staff ng TAT—sa pangunguna ni Chattan Kunjara Na Ayudhaya, Chief Officer ng BIFF— dahil sa maayos na pag-asikaso sa kanila.



Naging matagumpay ang opening night ng BIFF dahil dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad sa Thailand at mga imbitadong bisita mula sa iba't ibang bansa.



Nakilala sina Diana at Juliana ng ilang foreign press na nag-cover ng event dahil napanood daw nila ang mga pelikula na pinagbidahan nila—ang Bikini Open, Panaghoy sa Suba, at www.xxx.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN