PEP EXCLUSIVE: "Life goes on for GMA-7" after Angel Locsin's exit


"Wala namang balak palakihin pa ng GMA ang paglipat niya. Hindi naman magsasalita ang GMA about this. Kung gusto niyang magsalita about her reason for transfer, so be it," says a GMA-7 program manager to PEP about Angel Locsin's decision to move to ABS-CBN.



After months of speculation and denial, nagpadala na ang abogado ni Angel Locsin sa GMA-7 ng isang farewell letter, hapon ng Biyernes, July 20. Umabot kaagad ang balitang ito sa ilang mga nakatataas na tao sa industriya labas ng Kapuso Network.

Naibalita na nga rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hapon din ng Biyernes naganap ang negosasyon ni manager Becky Aguila, ang abogado ni Angel, at mga big bosses ng Kapamilya Network.

Agad tinawagan ng PEP ang isang PM ng GMA-7 na isa sa mga unang naging PM ni Angel nang nagsisimula pa lamang ito sa showbiz para hingan ng reaksiyon.

"Wala, walang reaksiyon ang GMA. Life goes on for GMA," sagot ng aming kausap.

"Wala namang balak palakihin pa ng GMA ang paglipat niya. Hindi naman magsasalita ang GMA about this. Kung gusto niyang magsalita about her reason for transfer, so be it.

"Wala rito ang focus ng GMA ngayon. It's done, she has moved. Right now, we're focusing in launching the newest shows and the hottest new stars. Then there's Marian Rivera who will star in the most anticipated soap Marimar.

"Personally, I'd say good luck kay Angel," pahabol pa ng PM.

Naitanong din namin kung ano naman ang mangyayari sa ibang alaga ni Becky na mga Kapuso stars pa rin—Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Charming Lagusad, and Charee Pineda, among others.

"They have existing contracts, we will abide [by] their contracts. There are shows being planned na kasali pa rin naman sila and we have committed this to them," sagot ng PM.

Kung sakaling magtapos ang mga respective contracts ng mga nabanggit na artista at nawalan sila ng trabaho, isang matalinhagang kataga ang isinagot sa amin ng kausap namin: "It follows..."

Naitanong din namin sa PM ang isa sa mga side business ni Becky sa GMA-7, ang pagsu-supply ng talents sa mga shows ng Kapuso Network. Napakaraming shows sa GMA-7 na si Becky ang exclusive talent supplier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami namang nagsu-supply din ng talents," sagot ng PM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN