Bong Revilla in favor of death penalty for plunderers

IMAGE Bong Revilla's Facebook

While senatoriable Ramon "Bong" Revilla Jr. says he backs the idea of punishing plunderers of death penalty, he adds that false accusers should suffer the same fate. Bong was accused of plunder in connection with the pork-barrel scam and was acquitted by Sandiganbayan last December 2018. However, he is still facing 16 graft charges.


Pabor si Ramon “Bong” Revilla Jr., 52, na mahatulan ng kamatayan o death penalty ang mga pulitikong napatunayang nagkasala sa kasong plunder o pagnanakaw.

“Dapat lang, ‘no? Dapat, para matigil 'yang ganyang plunder…” sagot ni Bong nang makapanayam ng reporters nitong March 3, Lunes.

Pahabol ng actor-politician, “At dapat hatulan din… kumbaga, kasuhan din ng kamatayan yung mga taong false accusers, di ba?

“Ako, pabor ako diyan, para matigil lahat 'yan, kasi masama din yung nambibintang ka rin ng di totoo, di ba?

“So, yung mga nagpa-plunder, yung mga nagnanakaw talaga sa bayan, dapat kung kinakailangang hatulan ng kamatayan para matigil na 'yan… ganun, ganun lang kasimple.”

Muling idiniin ni Bong na dapat mapatawan din ng parusang kamatayan ang mga napatunayang maling nag-akusa.

“E, papa'no naman yung katulad ko, di ba? Na nahatulan ako not guilty, so papano naman yung nangyari sa buhay ko?

"Gaano ako katagal kinulong, winasak ang buhay ng pamilya ko, di ba?” pahayag ng senatoriable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasangkot ang pangalan ni Bong sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork-barrel scam noong 2013.

Inakusahan siya ng diumano’y pagbubulsa ng PHP224 milyong kickback mula sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na lumikha umano ng bogus projects para maibulsa ang bilyun-bilyong halaga ng PDAF.

Si Napoles ang itinuturong mastermind ng pork-barrel scam.

Na-detain si Bong sa Camp Crame simula 2014.

Noong December 2018, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Bong, matapos ang apat na taong pagkaka-detain.

Nahaharap pa rin si Bong sa 16 graft charges hinggil sa pork-barrel scam.

Bukod kay Bong, dalawa pang tumatakbong senador ang nasangkot sa pork-barrel scam—sina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

September 2017 nang payagan ng Sandiganbayan 5th Division na makapagpiyansa ng PHP1 milyon para sa kasong plunder.

Nakapagpiyansa rin si Enrile sa halagang PHP1 milyon.

Gayunpaman, nahaharap pa rin sina Estrada at Enrile sa kasong plunder.


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN