Maui Taylor on Mo Twister: He should apologize to me personally


"May nagsabi lang sa akin na he said sorry to me on TV, pero sana mas na-appreciate ko kung personal siyang tumawag sa akin. Mas sincere sa akin ‘yon. Para ano pa ‘yung nag-sorry siya sa TV para lumabas na ako pa ang may kasalanan at siya itong magpapaka-underdog? Hello! Ano ‘yon?" says Maui Taylor (right) about DJ Mo Twister (left).



Hanggang ngayon pala ay hindi pa napapatawad ng sexy star na si Maui Taylor si DJ Mo Twister. Kahit na nga raw nag-sorry si Mo sa kanya ay hindi pa rin daw convinced si Maui na sincere ito sa paghingi ng sorry.



Sabi ni Maui, hindi raw niya makalimutan ang ginawang pambabastos ni DJ Mo sa kanya sa radio program nitong Good Times. Binalak na talagang mag-resign ni Maui sa mismong birthday niya pero inunahan daw siya ng pagtalak ni DJ Mo.



"He was very rude to me," kuwento ni Maui sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kalalake niyang tao pero para siyang babae tumalak. ‘Yung away namin became too personal na kaya nagawa niyang bastusin ako on air. Iyon naman ang hindi ko na pinalagpas. Noong binastos niya ako, binastos ko rin siya. Pero tinapos ko ang trabaho ko sa radio show at hindi ako nag-walkout.



"Napag-alaman ko na he really wanted to get rid of me. Ewan ko kung bakit, pero somebody told me na gusto na akong tanggalin ni Mo as his co-host. May gusto raw siyang ipalit sa akin, pero wala siyang makitang reason to kick me out. Hanggang sa nangyari ‘yong incident na ‘yon. But prior to that incident, may problema na kami."



Hindi raw napanood ni Maui ang pag-a-pologize ni DJ Mo sa kanya on television. Sana raw ay personal itong humingi ng sorry sa kanya at hindi ‘yung nagpapaawa pa ito sa TV.



"Naku, sana sincere siya sa sinabi niya, di ba?" tawa ni Maui. "Hindi ko na kasi alam kung ano ang totoo kay Mo, e. He claims na ayaw niya ng showbiz na tao, pero siya mismo, ang showbiz-showbiz niya!



"May nagsabi lang sa akin na he said sorry to me on TV, pero sana mas na-appreciate ko kung personal siyang tumawag sa akin. Mas sincere sa akin ‘yon. Para ano pa ‘yung nag-sorry siya sa TV para lumabas na ako pa ang may kasalanan at siya itong magpapaka-underdog? Hello! Ano ‘yon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mapapatawad daw ni Maui si DJ Mo in due time. Isang buwan pa lang naman daw ang nakakaraan at medyo fresh pa sa alaala ni Maui ang ginawang kabastusan ni DJ Mo sa kanya.



"I'm a forgiving person but I never forget," sabi ni Maui. "Kung may ginawa kang hindi maganda sa akin, nakatatak na sa akin ‘yan. Kumbaga, may wall na at hindi na tayo puwedeng maging as close as before.



"It's the same with Mo," patuloy niya. "Kung magkakaayos kami in the future, hanggang doon na lang. ‘Yung dating closeness at friendship namin, di na ‘yon mauulit pa kasi nakilala ko na siya. Nalaman ko na ang tunay na kulay niya."



Kakapirma lang ng bagong managerial contract si Maui Taylor sa Viva Artist Agency last Friday, July 20. Okay lang daw na balikan ni Maui ang pagpapa-sexy sa pelikula dahil nagbabalik na naman ang mga sexy movies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN