Barbie Forteza surprised by Joyce Ching's engagement

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @chingjoyce on Instagram

Barbie Forteza still considers her Tween Hearts co-stars "tween." She says about the engagement of Joyce Ching, "I think yun naman na talaga yung next step for her, so I'm very happy for her."


Ikinagulat ni Barbie Forteza, 21, ang engagement ng kapwa Kapuso star na si Joyce Ching, 24, sa non-showbiz boyfriend nitong si Kevin Alimon.

Inanunsiyo ni Joyce, sa pamamagitan ng Instagram, ang kanyang engagement noong gabi ng Huwebes, February 28, ilang minuto pagkaalis niya sa venue ng presscon ng Dragon Lady kung saan isa siya sa cast members.

Sina Barbie at Joyce ay matagal nagkasama noon sa teen-oriented-series ng GMA-7 na Tween Hearts, mula 2010 hanggang 2012.

Ayon sa ulat ng GMANetwork.com ngayong araw, March 5, wala raw alam si Barbie sa progress ng love story ni Joyce.

Dagdag pa ng Kara Mia star, “tween” pa rin ang turing niya sa mga dating katrabaho.

Saad ni Barbie, “Nagulat lang talaga ako kasi, parang hanggang ngayon, Tween Hearts pa rin yung tingin ko sa mga kasama ko, 'tapos biglang engaged na sila.

"Feeling ko na-achieve na niya yung lahat ng gusto niyang ma-achieve.

"Tapos na siya sa pag-aaral niya, wala na siyang iniintindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napatunayan na niya yung gusto niyang patunayan sa showbiz"

Dagdag niya, “Joyce Ching is Joyce Ching.

"I think yun naman na talaga yung next step for her, so I'm very happy for her."


Stories We Are Tracking

Joyce Ching now engaged to non-showbiz boyfriend
Joyce Ching now engaged to non-showbiz boyfriend

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN