Carmina Villarroel, di kayang burahin sa buhay ang lalaking unang pinakasalan

IMAGE Noel Orsal (Carmina) / Screengrab from YouTube

Carmina Villarroel on being married to Rustom Padilla: "That's my past. As much as gusto kong kalimutan, or burahin, I cannot."


Sa press conference ng Kara Mia, naungkat ang tungkol sa unang lalaking pinakasalan ni Carmina Villarroel—si Rustom Padilla.

Ayon kay Carmina, hindi niya kayang burahin sa kanyang buhay si Rustom na mas kilala na ngayon bilang BB Gandanghari.

Panoorin ang video ng interview ni Carmina:

Si Rustom ay nakatatandang kapatid ng action star na si Robin Padilla at naging ka-love team ni Carmina nung 1990s.

Naging magkasintahan sila at kalauna'y sikretong nagpakasal sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Caloocan nung June 4, 1994.

Taong 1997 nang ihayag nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay at ang pagbubunyag ng kanilang lihim na kasal.

Matapos ang isang taon ng kanilang paghihiwalay, nag-file ng annulment si Carmina na na-grant naman nung 2002.

November 2012 nang muling ikasal si Carmina sa ama ng kanyang kambal na sina Cassy at Mavy, na si Zoren Legaspi.

Labingdalawang taon ang hinintay ng aktor bago ito nag-propose kay Carmina na pinakasalan din nito agad nung mismong gabi ng proposal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, si Rustom naman ay nagdesisyong lumisan ng showbiz nung 2001, pumasok sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates nung 2006 (kung saan din siya "nag-out"), at nagpalit ng pangalan at katauhan nung 2009 bilang si BB Gandanghari.

Basahin ang related article: Carmina Villarroel does not regret marrying Rustom Padilla: "I cannot delete those chapters in my life."


ABOUT THE AUTHOR

PEP.ph Associate Editor. PEP Multimedia Section Head.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN