Maine Mendoza, Arjo Atayde fly love lantern in Taiwan

IMAGE Photo grabbed from Joweboi / @arjoatayde on Instagram


Talaga namang "love is in the air" para kina Maine Mendoza, 24, at Arjo Atayde, 28.

Ito ay matapos ma-post sa social media ang ilang videos, kung saan makikita ang dalawa na nagpapalipad ng sky lantern sa isang popular destination sa Taiwan.

Sa unang video, makikita na ang destination ay kuha sa Shifen, Taipei—may riles ng tren at establishments na magkakadikit na tila gawa sa kahoy.

Nakunan sa video ang dalawang taong may hawig kina Maine at Arjo.  

Ang lalaking kahawig ni Arjo ay naka-jacket ng kulay brown, habang ang babaeng kahawig ni Maine ay naka-ponytail at naka-brown sweat shirt.

Tila may isinusulat ang babae habang naghihintay naman ang lalaki. 

Mapapansin din ang pink lantern sa pagitan nila.

Sa pangalawang video na sa parehong lugar kinunan, naka-zoom in ito at hagip pa rin ang pinaniniwalaang sina Maine at Arjo.

Samantala, ilang netizens ang nag-post sa Instagram ng picture nila kasama sina Maine at Arjo sa naturang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumugma ang suot ng dalawa sa mga lumabas na video.

PINK LANTERN

Ayon sa ilang blogs, isa sa mga pangunahing atraksiyon sa Shifen, Taipei, ay ang pagpapalipad ng sky lanterns.

Isinusulat ang wish ng isang tao at pagkatapos ay paliliparin ito. 

May iba't ibang kulay ang sky lanterns, at bawat kulay ay may simbolo. 

Sa video kung saan nahagip sina Maine at Arjo, makiktang kulay pink ang kanilang sky lantern.

Ayon sa blog sites, ang kulay pink na sky lantern ay sumisimbolo sa romance o pag-ibig.

March 2, Sabado, inamin ni Maine sa kanyang blog entry na matagal na silang nagdi-date ni Arjo at masaya ang dalawa sa kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Kasunod nito ay nag-post din si Arjo upang kumpirmahin ang pag-amin ni Maine at inilarawan ang dalaga bilang “my reason for being.”

March 3, Linggo, sa mismong 24th birthday ni Maine, lumabas sa social media ang larawan nila ni Arjo na kuha sa airport ng Taiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma naman ng manager ni Maine na si Rams David na nasa Taiwan nga ang Kapuso star kasama si Arjo at ilan pang mga kaibigan.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Arjo posts photo of Maine after she confessed her feelings
Arjo posts photo of Maine after she confessed her feelings
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport
Kampo ni Maine Mendoza, hangad din ang kaligayahan ni Alden Richards
Kampo ni Maine Mendoza, hangad din ang kaligayahan ni Alden Richards

 

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN