Kat de Castro breaks silence on past controversy as DOT official

IMAGE Arniel C. Serato

Newly-appointed IBC-13 President and CEO Kat de Castro on privatization of the network: "Because there is really a need to privatize IBC-13. We already had a government channel, which is PTV4."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Kat de Castro tungkol sa mga akusasyon sa kanya noong undersecretary pa siya ng Department of Tourism (DOT).

Isa sa ibinibintang kay Kat ay karay-karay raw niya palagi sa DOT-related events ang nobyong si Pancho Juanitez, na miyembro ng isang banda.

Pagtanggi ni Kat sa isyung ito, “That is not true po.

"Hindi kami nagkaroon ng DOT-produced show na kasama ang aking better-half, not true at all.

“And they can ask all the foreign attachés of DOT, ‘Kung talaga bang isinama ni Kat, ‘no?’

“And I am not the one handling the projects overseas, na kasama sa show.

"This is the first time..." na narinig daw niya ang balitang ito.

Mariin ding pinabulaanan ni Kat ang naiulat noong pinagpapaliwanag daw siya ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat tungkol sa diumano'y madalas na pagsama ng kanyang boyfriend sa official activities ng DOT.

Si Puyat ang pumalit kay Wanda Teo, na pinatalsik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto matapos nitong masangkot sa anomalyang may kinalaman sa pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang umupo si Puyat, hiniling niyang magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng DOT officials, kabilang na si Kat.

Noong August 2018 ay itinalaga ni Pangulong Duterte si Kat, anak ni dating Vice President Noli de Castro, bilang miyembro ng board of directors ng state-run na Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC) 13.

Ngayong 2019 ay itinalaga naman siyang presidente at CEO ng IBC-13.

Pahabol na pahayag pa ni Kat, na idinaan niya sa text messaging: “All the accusations are baseless and untrue.

“I’ve already closed that chapter in my life and for now, I would rather concentrate on my new task as head of IBC-13.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kat ngayong Miyerkules, March 6, sa presscon ng IBC-13 para sa mga bagong palabas at mga pagbabago na mangyayari sa dating sikat na TV station. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEW IBC-13

Aminado si Kat na napabayaan talaga ang operations ng IBC-13 kaya parang nakalimutan na ng mga tao ang dating number one station sa bansa. 

Natatawa pa niyang sabi, “I would say, yes.

"Kasi hindi naman napupunta sa ganitong sitwasyon ang IBC-13 kung naalagaan siyang mabuti dati.”

Ngayon, masaya raw siyang unti-unti na niyang nasimulang ayusin muli ang government-owned station.

Unti-unti raw nilang pinapaganda ang kanilang mga equipment at unti-unti rin nilang ibabalik ang ilang shows na tatak-IBC.

Open din daw sila sa blocktimers na nais mag-produce ng palabas at iere sa kanilang istasyon.

Pagkatapos ng eleksyon ngayon 2019, sisimulan na rin daw ang proseso ng privatization ng network.

Paliwanag ni Kat, “Well, because there is really a need to privatize IBC-13.

"We already have a government channel, which is PTV 4.

“And of course, it can also help in adding more funds for the government.

"Kasi as soon as you privatize IBC-13, kung ano man ang makukuha nun, will also be used in PTV’s ugrade in its system and all that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN