Richard Merk opens up about death of mother Annie Brazil

IMAGE Jerry Olea

Richard Merk on how he and his siblings settled their differences: "May mga isyu-isyu noon, pero ngayon, wala na. Of course, nagkakaisa na kami. For the sake of our mother. Like me, I asked forgiveness from her before she went. Humingi ako ng tawad... Iyon ang hinahanap niya—closure. Sa pamilya. Na magkasama-sama kami muli."


Maluwag na tinanggap ng singer na si Richard Merk ang pagpanaw ng ina niyang si Annie Brazil, 85, nitong Marso 5, Martes ng 4:26 P.M.

Justiniana Bulawin Wolfe sa totoong buhay, tinagurian si Annie na Philippine Queen of Jazz.

"Itong pagkawala ng mommy ko, tanggap ko dahil hirap na hirap na siya," matamang pahayag ni Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 6, Miyerkules ng gabi, sa Loyola Memorial Chapels, Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitang na-stroke si Annie noong Nobyembre 2017.

Pagpapatuloy ni Richard, “Iyong lingering stroke na yun, medyo tumagal.

"'Tapos, naging... pahina na siya nang pahina.

"Hirap na hirap na si Mommy. Hindi na siya makahinga halos.

"She held on for a long time for all of us. Ahhh... para mabuo ang pamilya."

Maliban kay Richard, nag-showbiz din ang dalawa pang anak ni Annie na sina Rachel Anne Wolfe (nag-host sa GMA Supershow) at Ronel Wolfe (dating member ng That’s Entertainment).

Ang isa pa nilang kapatid ay si Raffy. Nagkahiwa-hiwalay silang apat na magkakapatid ng ilang taon.

Nagkasama-sama lang sila muli sa unang gabi ng lamay ng kanilang mommy.

"Ronel was somewhere else. Rachel was in New Jersey [USA]. I am here. My niece was in Pampanga," kuwento ni Richard.

"So, ngayong gabi, nabuo kami. Si Raffy, yung kapatid ko, siya yung nag-alaga kay Mommy nang husto."

Noong Disyembre ay umuwi sa Pilipinas si Rachel Anne. Nakipag-reunion ito sa ilang co-hosts sa GMA Supershow, kapagkuwan ay bumalik agad sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong Miyerkules ng umaga ay agad-agad ding bumalik sa Pilipinas si Rachel.

NO MORE RESENTMENT

Naabutan namin sa lamay ang pagsasalita ni Pastor Joseph Zabarte.

Pinapunta pa ni Pastor ang immediate family—apat na anak at apo na si JD—sa harapan para ipag-pray over.

Dalangin ni Pastor, mawala ang kung ano mang resentment nilang magkakapamilya, at magkaisa sila sa pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama yung sabi ng Pastor, na no more pain. No more worries. No more sorrows," pahayag ni Richard.

"So, I lift my mother up to God."

Ani Richard, wala nang resentment sa kanilang magkakapatid.

"May mga isyu-isyu noon, pero ngayon, wala na," pakli ni Richard.

"Of course, nagkakaisa na kami. For the sake of our mother.

"Like me, I asked forgiveness from her before she went. Humingi ako ng tawad.

"Sinabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Iyon ang hinahanap niya—closure. Sa pamilya. Na magkasama-sama kami muli."

Sa Marso 10, Linggo, ang cremation ng remains ni Annie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Richard, "Rachel will bring some of the ashes to New Jersey.

"Andoon ang mga pamangkin ko, yung mga anak ni Rachel, saka asawa niya.

"Then, some of the ashes will be given to the three of us."

Noong Disyembre matapos ang Pasko ay na-ICU si Richard. Limang araw siya sa Medical City.

Aniya, nagre-recuperate pa siya hanggang ngayon.

Nakakapagtrabaho pa ba si Richard?

"Sa ngayon, nagpapahinga ako. Pero may mga offers akong dumating from PAGCOR Casino. Sa July pa, e," saad ni Richard.

Kakayanin daw iyon ni Richard, dahil trabaho niya iyon. Hindi raw siya binawalan ng doktor.

"Sa akin kasi, ang trabaho ay trabaho. I’ll do it kahit ano’ng naramdaman ko. I’ll do it!" bulalas pa ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN