Jason Abalos reveals reason why he can’t marry Vickie Rushton yet

IMAGE Noel Orsal

Jason Abalos on bashers: "Sobrang dami nila, parang ang sarap maki-join.”


Gustung-gusto na raw ni Jason Abalos, 34, bumuo ng sariling pamilya kasama ang longtime girlfriend na si Vickie Rushton, 26.

View this post on Instagram

Hi! Ganda mo naman :) 😘😘 😘

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on

Sabi pa ng Kapuso actor, “Gusto ko na. Siyempre, oo, gusto ko na rin.

“Ayoko naman na parang tumanda ako na yung anak ko, hindi ko makakalaro.

“Siguro, sa age namin talaga, kailangan na rin, e.

“Ako, matagal na, matagal na.”

Ngunit hindi pa raw nila magawang pag-usapan ang pagpapakasal dahil may mga pangarap pa ang nobya na gusto nitong matupad.

Saad ni Jason, “Yun nga, e, may mga gusto pa siyang gawin.

“So, yun ang hinihintay ko na sana magawa niya lahat para... alam niyo yun?

“Ayoko naman dumating yung panahon na pagsisihan niya na hindi niya nagawa.”

Si Vickie ay naging housemate sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Kinoronahan siyang Mutya ng Pilipinas noong 2011 at naging 1st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Muli namang pinabulaanan ni Jason na nagsasama na sila ni Vickie ngayong halos pitong taon na rin ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi na niya ito sa huling panayam sa kanya noong October 2018.

Ayon sa Kapuso actor, “Ay hindi, hindi...

"Sobrang conservative na tao yung pamilya ni Vickie.

"Kasal muna."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Jason sa pocket interview niya, kasama si Max Collins, para sa bago nilang teleseryeng pagsasamahan sa GMA-7, ang Bihag (dating Stolen).

Malapit na itong iere sa Kapuso network kung saan papalitan nito ang babakantehing timeslot ng My Special Tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BASHERS

Halos lahat ng mga artista ay mayroong mga intrigang pagdadaanan—may katotohanan man o sadyang tsismis lamang.

Ano ba ang masasabi rito ni Jason, na minsan nang nasangkot sa isang malaking kontrobersiya may dalawang taon na ang nakararaan?

Tugon ng aktor, “Yung intriga kasi, hindi naman nawawala sa artista.

“Kapag pinag-usapan ka, mas matuwa ka pa kasi parang pag-uusapan ka, naaalala ka ng mga producers, may trabaho ka.

“So, parang kami, nasanay na kami na huwag na lang pansinin.

“Alam mo naman 'yan, totoo o hindi, alam mo naman sa sarili mo kung ano yung totoo talaga, e.

“Kumbaga, yung mga taong mahal mo sa buhay, alam nila kung anong tao ka, feeling ko mas importante yun.

“Madaming intriga na dumating sa buhay, yung iba kasi totoo.”

Tungkol naman sa bashers, pabirong sagot ni Jason, “Sobrang dami nila, parang ang sarap maki-join.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN