JK Labajo cries "unfair"; deletes social media accounts

IMAGE @dwayne0830 and @soundcheckmanila on Instagram

JK Labajo: bakit pag si *insert sikat na girl artista* ay nagmura, sinasabi ng tao ang cute, di nila sinasabi na unprofessional and all?


Muling naglabas ng hinaing ang singer na si JK Labajo, 18, kaugnay ng kontrobersiyal niyang video, kung saan nagmura at nag-dirty finger siya habang nasa entablado.

Ngayong Huwebes ng hapon, March 7, nag-post ng mga mensahe sa Instagram Story ang dating The Voice Kids grand finalist kaugnay ng kinasasangkutang kontrobersiya.

Idiniin niya ang pagiging “unfair” ng ibang tao sa kanya.

Ibinigay na halimbawa ni JK ang pagmumura ng isang "sikat na girl artista," pero cute pa rin ang dating nito sa ibang tao. 

Pero nang siya raw ang nagmura, sobrang pambabatikos ang kanyang inabot at hinusgahan pati ang pagkatao niya.

Buong post ng singer: “hmm bakit pag si *insert sikat na girl artista* ay nagmura, sinasabi ng tao ang cute di nila sinasabi na unprofessional and all?

“pero yung tipong pag ako ang nagmura ang dami dami ng sinasabi. Lumaki na ang ulo, nagbago na, mayabang na, etc etc…

“unfair man.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sumunod niyang post, sinabi ni JK na nag-delete na siya ng Facebook at Twitter accounts dahil sa mga bumabatikos sa kanya.

“dinelete ko twitter and fb ko kasi masayado maraming mga ano dun… mga… ano.

“so ito na twitter ko thnx,” pagtukoy ni JK sa Instagram account niya.

Ni-repost naman ni JK ang screenshot ng opinion article ng isang entertainment writer na nagtatanggol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa entertainment writer, tao lamang si JK at hindi ito masisisi dahil ang pagmumura at pagdi-dirty finger nito ay reaksiyon sa taong bumastos sa kanya.

THE INCIDENT

March 1, Biyernes, habang nagpe-perform si JK sa Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music noong Marso 1, Biyernes, sa Circuit Makati, may isang fan na sumigaw ng “I love you, Darren!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinagalit ito ni JK.

Tatlong beses na minura ni JK ang fan at nag-dirty finger pa siya.

Nakunan sa video ang ginawa ng singer at naging viral ito.

Umani ng batikos ang naging aksiyon ni JK, ngunit mayroon ding mga nagtanggol sa kanya,

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng sagutan sa social media sina JK at Darren Espanto.

Diumano'y tinawag na "bakla" ni JK si Darren, subalit itinanggi ito ni JK at nanindigang na-hack ang kanyang account.

Hindi naman ito pinalampas ni Darren at sumagot din sa Twitter.

Parehong grand finalists sina Darren at JK sa The Voice Kids noong 2014.

Nitong Miyerkules, March 6, may mga naunang posts si JK sa Instagram Story para depensahan ang sarili hinggil sa insidente.

Umalma ang singer dahil sa panghuhusga ng netizens sa pagkatao niya dahil sa video.

Ipinagtanggol din ni JK ang sarili na bagamat unprofessional ang kanyang ginawa bilang isang performer, normal daw ang naging reaksiyon bilang isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

JK Labajo claps back at his critics over viral video
JK Labajo claps back at his critics over viral video
JK Labajo, nagmura at nag-dirty finger sa Rakrakan 2019
JK Labajo, nagmura at nag-dirty finger sa Rakrakan 2019
JK Labajo insists he's innocent of Darren Espanto accusation
JK Labajo insists he's innocent of Darren Espanto accusation
Darren explains reaction to JK's tweet against him
Darren explains reaction to JK's tweet against him


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN