Jessa Zaragoza calls out bashers for posting death threats to Jayda Avanzado

IMAGE Courtesy: @jessazaragoza on Instagram

Jessa Zaragoza posts on Instagram screenshots of alleged death threats against her daughter Jayda Avanzado.


Hindi napigilan ni Jessa Zaragoza ang sariling i-post publicly sa Instagram ang pambu-bully ng ilang netizens sa kaisa-isa nilang anak ni Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado, 15.

Dalawang netizens ang nagbanta sa buhay ni Jayda sa pamamagitan ng Twitter.

Base sa profile at posts ng dalawang netizens na ito—na may handle name na @iam_sandra08 at @neera22621829—mukhang tagahanga sila ng young Kapamilya singer na si Darren Espanto, 18.

Sa isang post, may isang netizen na nagpa-survey kung sino raw ang mas “havey” kina Ylona Garcia, 17, at Jayda.

Sa comments, sinabi ni @iam_sandra08: “Kill that Girl na manggagaya.”

Sagot naman ni @neera22621829: “Original vs imitate.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JESSA ZARAGOZA'S POST

Huwebes ng gabi, March 7, isang mahabang post ang ibinahagi ni Jessa sa Instagram, Facebook, at Twitter.

Dito ay pinagsabihan ng singer-actress ang dalawang bashers na hindi tama ang kanilang ginagawa.

Sa mga ibinahaging screenshots ni Jessa, mababasa rito ang mga mensaheng ipinadala ng nasabing bashers kay Jayda mismo via direct messaging sa Instagram.

Masyadong below the belt ang mga ginamit na salita ng dalawang bashers.

Minura, sinabihang manggagamit, at pangit daw si Jayda, na diumano'y "nilalandi" si Darren na kanilang idolo.

Pahayag ni Jessa sa caption: “Pinag isipan ko muna ito ng ilang araw bago ko ito pinost. Di na nga lang sana, pero tuloy pa din kayo sa ginagawa nyo kay Jayda.

"Naisip ko, talagang sumobra sobra na kayo. Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda, below the belt na mga tira, pangungutya, ilang beses na din nakatanggap ng “P***ngina yung anak namin sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never namin minura ang anak namin. Pero kayo,wagas ang pagmumura nyo kay Jayda.

"Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin. Ganun kalalakas ang luob nyong gumawa ng ganyan."

Patuloy niya: "I’d like to call your attention @iam_sandra08 (sa twitter, hindi sa IG)

"Itong tweet mo sa twitter sa account ng anak naming si @jayda, kausap mo ang kaibigan mo, si @nera22621829.

"Mga iha, titigan nyo mabuti yung pictures na pinost ko. 'Tweet' nyo yan sa anak namin, si jayda.
@iam_sandra08 iha? sabi mo sa tweet 'KILL THAT GIRL'.

"Tweet mo yan, although alam ko binura mo na. Ikaw ang nag tweet nyan.

"GUSTO MONG MAMATAY ANG ANAK NAMIN? O GUSTO MONG IPAPATAY? Iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinag gagawa mong ganito?!

"Di ba gaGraduate ka na? Alam ba ng iyong paAralan na ganito ka mag salita? Tweet mo ito iha, tweet na sinend mo sa “Nag iisa naming anak” si JAYDA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"@iam_sandra08 Kayo ba ng iyong kaibigan na si @nera22621829,ay talagang wala ng kinatatakutan?

"Kung di kayo takot sa mga magulang nyo, di na ba uso ang “DIYOS” sainyo??!!

"#Stopthiscyberbullying #notocyberbullying"

Sa ngayon, deactivated na ang account sa Twitter ng dalawang bashers.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN