Janella Salvador on better terms with mom Jenine Desiderio

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Janella Salvador on her relationship with mom Jenine Desiderio: "Ever since, kahit meron kaming mga misunderstandings, when it comes to my feelings, when it comes to alam niyang nasasaktan ako, she's always there for me."


Inilahad ni Janella Salvador na mas bumuti ang relasyon nila ng kanyang inang si Jenine Desiderio.  

Pahayag ni Janella, "I'd rather not talk about it until may masasabi talaga akong concrete and solid. But I can say we're getting there.

"We're not in bad terms naman. We're fixing things."

Dagdag ni Janella, work in progress ang relasyon nilang mag-ina. 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Janella sa presscon ng Wittyrella at Touch Screen—ang dalawang pinagbibidahan niyang anthologies na mapapanood sa iWant digital streaming.  

Ginanap ang media launch nito at iba pang anthologies na iprinodyus ng Indigital Productions para sa iWant, sa Le Reve Events Place sa Quezon City, noong February 28. 

MOTHER-DAUGHTER ISSUES IN 2018

Hindi kaila sa mga masugid na tagasubaybay ni Janella ang ilang pagkakataong naisapubliko ang alitan ng dalawa noong 2018. 

Kaugnay ito ng paglabas ni Jenine ng kanyang mga hinanakit kay Janella sa social media dahil sa mga sanga-sangang isyu. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang dito ang pagtutol ni Jenine nang isama ni Janella ang noo'y rumored boyfriend nitong si Elmo Magalona sa family reunion ng mga kaanak ng mag-ina, noong January 2018. 

Makalipas ang apat na buwan, inamin ni Jenine sa isang netizen na ni hindi siya binati ni Janella noong Mother's Day. 

Bandang September 2018 ay naiulat din ang inis ni Jenine nang mas kampihan umano ni Janella ang sinungaling na driver ng batang aktres kaysa sa kanya. 


Stories We Are Tracking

Jenine dismayed by Janella siding with their erring driver
Jenine dismayed by Janella siding with their erring driver
Jenine Desiderio at ElNella, hindi nagsalubong ang landas sa birthday party ni Mother Lily?
Jenine Desiderio at ElNella, hindi nagsalubong ang landas sa birthday party ni Mother Lily?
Jenine unintentionally follows Elmo on Instagram
Jenine unintentionally follows Elmo on Instagram
Jenine Desiderio stands ground on gatecrashing accusation
Jenine Desiderio stands ground on gatecrashing accusation

Pero nang lumabas ang kontrobersiya sangkot sina Janella at Elmo noong buwang ding iyon, nanguna si Jenine na umalma at naglantad sa social media ukol sa diumano'y pang-aagrabyado sa kanyang anak. 


Stories We Are Tracking

Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Pagtatanggol ni Janella Salvador kay Jenine Desiderio, hindi fake news
Pagtatanggol ni Janella Salvador kay Jenine Desiderio, hindi fake news
Jenine Desiderio claims Elmo Magalona hurt Janella Salvador
Jenine Desiderio claims Elmo Magalona hurt Janella Salvador
Janella Salvador back on good terms with mom Jenine
Janella Salvador back on good terms with mom Jenine

A MOTHER'S LOVE

Ayon naman kay Janella, ramdam niya ang pagmamahal ni Jenine kahit pa mayroon silang mga hindi pagkakaunawaan. 

Paliwanag ng 20-year-old Kapamilya actress: "Ever since, kahit meron kaming mga misunderstandings, when it comes to my feelings, when it comes to alam niyang nasasaktan ako, she's always there for me. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang unang-unang magti-text, 'Are you OK? If you want you can come here and just hang out.'

"That's the side of her na hindi siguro nakikita ng mga tao. She's a mom talaga." 

Mayroong sariling bahay si Janella kaya wala siya sa poder ng kanyang ina, pero nagkikita naman daw sila. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN