Derek Ramsey says age gap between him and Angelica Panganiban doesn't matter


Derek Ramsey sees no problem with the seven-year age gap between him and his girlfriend Angelica Panganiban. She's quite mature for her age, he says, especially since, as a working girl most of her life, "she's been introduced to the real world at a young age."



Seven years ang agwat ng edad ng TV host and actor na si Derek Ramsey sa girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Derek is 27 years old while Angelica is only 20.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Derek kahapon, July 22, pagkatapos ng guesting niya sa The Buzz, ay tinanong namin kung hindi ba siya nahihirapang makipagrelasyon sa isang mas bata sa kanya.

"Si Angelica, hindi siya katulad ng ibang twenty years old," bungad ni Derek. "She's been working I think fifteen to sixteen years. So in those sixteen years, mas mabilis 'yung pagka-mature niya kasi she's been introduced to the real world at the young age. So, 'yung pag-iisip niya, iba.

"Ang gusto ko sa kanya, diretso siya. Hindi siya takot magsalita kung galit siya sa 'yo, kung gusto ka niya, diretso siya. So, si Angel, hindi siya tulad ng other twenty year old kasi most twenty years old, hindi ganun ang level ng thinking. You know, hindi ko talaga maisip na puwede pala akong makipagrelasyon sa mas bata sa akin."

Mula nang magdalaga ay sumabak na rin si Angelica sa pagpapa-sexy hindi lang sa pelikula kundi maging sa pictorial sa men's magazines. Hindi ba pinagbabawalan ni Derek ang girlfriend tungkol dito?

"Hindi ko control ang career niya. Whatever decision she wants to make, ako nandiyan ako for advice. Pero advice lang 'yon," sabi ng hunky actor-commercial model.

"Ang sinasabi ko sa kanya, gawin mo 'yung ginagawa mo kasi doon kita nakilala. Hindi kita babaguhin. Nagustuhan kita sa nakilala ko, so bakit ko babaguhin 'yon? So, kung gusto niyang mag-sexy, mag-FHM, nasa sa kanya 'yon."

Sabi ni Angelica sa isang hiwalay na interview, plano niyang lumagay sa tahimik kapag 26 or 27 years old na siya. Willing bang maghintay si Derek kay Angelica kung saka-sakali?

"Walang tamang age for all of that [marriage]," sagot niya "You know, magandang magplano. Pero ang pagpaplanong 'yan is pure ready na, walang age. You can be ready at 22, you can be ready at 28. Ayoko namang umabot siguro ng matandang-matanda na ako before I have my first kid kasi hindi ko na siya makakalaro sa sports, kasi 'yon ang passion ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, gusto ko namang makalaro 'yung mga anak ko. Ayokong matandang-matanda na ako. Hindi na ako makasipa ng bola, hindi na ako makalaro ng basketball kasama 'yung mga anak ko. Ewan ko, baka magbago pa ang isip niya!" natatawang sabi pa ng binata.

Sa tingin niya ba ay si Angelica na talaga ang gusto niyang mapangasawa?

"Hindi ako magbibitaw ng salita kasi baka ma-jinx ako," sabi ni Derek. "I mean, nung na-interview ako noon, sinabi ko ang nararamdaman ko. Ngayong nandirito na ako, sinabi ko 'yung nararamdaman ko. Tingnan na lang natin."

Samantala, hindi naman naniniwala si Derek sa balitang hindi raw pabor sa kanya ang pamilya ni Angelica, particular na ang ina ng young actress.

Paliwanag niya, "Hindi naman against sa akin 'yung family ni Angelica. Wala naman akong nararamdaman na ganoon. Baka nabigla lang sila nung maging kami na. Protective lang siguro sila kay Angel.

"Kasama ko pa nga sila nung maglaro ako sa Deal or No Deal. Pinadadalhan pa nga ako ng pagkain ng Mommy ni Angel. Sobrang close talaga kami. Kilala niya ako, walang tago, kilala ko siya. Sobrang respeto ko sa kanya. Kinakausap naman niya ako. Minsan, nagti-text-an kami. Minsan nagsusumbong din ako sa Mommy niya kung may problema kay Angel," kuwento pa niya.



Seloso ba na boyfriend si Derek?

"Never akong naging seloso," sagot niya. "Naging problema ko na 'yan sa past relationship ko. Nagtataka lang sila kung mahal ko sila dahil hindi ako nagseselos. Ako, mahal kita dahil may tiwala ako sa 'yo."

Kasama si Derek sa teleserye ng ABS-CBN na Ysabella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN