Manolo Pedrosa reveals depression over career before moving to GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Manolo Pedrosa: "When I look back, I wouldn’t expect na I would be here now and having a show. I thought I would focus on school and graduate."


Inamin ni Manolo Pedrosa, 21, na hindi niya inakalang makakabalik pa siya sa showbiz.

Mula nang lumabas sa Pinoy Big Brother house noong 2014, nagtuluy-tuloy sa showbiz si Manolo at naging maganda ang takbo ng career niya sa ABS-CBN.

Subalit bigla siyang nawala sa limelight mula 2016 hanggang 2017.

Ito ay dahil nagkaroon siya ng bulging disc.

Naka-recover si Manolo at noong July 2018, pumirma siya ng kontrata sa GMA-7.

"Life is ano talaga, unpredictable.

"When I look back, I wouldn’t expect na I would be here now and having a show.

"I thought I would focus on school and graduate.

"Life changes talaga. And you have to learn how to adapt and be grateful," pahayag ni Manolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang miyembro ng press sa ginanap na Kapuso Panagbenga Festival, sa Baguio City, noong March 2, Sabado.

Kasalukuyang bahagi si Manolo ng Kapuso afternoon teleserye Inagaw na Bituin, na pinagbibidahan din nina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MANOLO: I GOT DEPRESSED

Kuwento pa ni Manolo, malaking dagok sa buhay niya nang magkaroon siya ng injury dahil gumaganda na noon ang takbo ng kanyang career. 

Napilitan siyang magpahinga dahil sa bulging disc, na aniya'y posibleng nakuha niya sa pagdyi-gym. 

“I didn’t know that injury would happen, so nagulat ako na I’m already at the peak of my career and that happened.

“And I had to stop [showbiz] and then go to school.”

Pumasok daw sa isip niyang katapusan na ng kanyang pagsu-showbiz.

“Kasi, it’s my lower back… bulging disc.

“I really thought, after that, I can’t go back.

"Kasi mahirap yung lifestyle ng isang artista and someone with a bulging disc, like Angel Locsin, nawalan siya ng big opportunity because of the injury, so parang same din."

Taong 2015 nang maibalita ang pagkakaroon ng bulging disc ni Angel, dahilan upang tumanggi na siyang gawin pa ang muling pagsasapelikula ng Pinay superhero na Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Manolo tungkol sa kanyang injury, “Siyempre, I got depressed, and, hello, I was a 16-year-old living in an eight-year-old [body].

"I couldn’t walk properly and… basta, I’m very grateful na I fixed it.

“I established healthy habits and I’m here right now, back in showbiz [and] acting again.”

Pagpapatuloy niya, “I’m just happy to be here right now, back in showbiz.

"And kahit it’s a new environment, I feel so welcomed here, so I’m very grateful for the present."

Sa pangalawang pagkakataon niya sa showbiz, tinitiyak ni Manolo na husayan ang kanyang pagtatrabaho. 

Sa katunayan, bukod sa acting workshops ay nagkakaroon din siya ng Tagalog lessons. 

Aniya tungkol sa second chance niya sa showbiz, "Of course, I'm very thankful for that and siyempre, I would say din, marami din kasing magagaling na actors sa cast, so medyo kinakabahan din ako, kaya I have to keep up my game."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN