Angelu de Leon happy for Judy Ann Santos's blooming lovelife


"Masaya ako para kay Juday. Nakakainggit nga siya, sobrang ganda ng takbo ng lovelife niya, nila ni Ryan... Isa ako sa mga umaasa and nagpi-pray na maging panghabambuhay na ang relasyon nila, na sana mauwi na nga sa kasalan ang relationship nilang dalawa," says Angelu de Leon (right) about the lovelife of her friend Judy Ann Santos (left).



"Yes, I am so happy for her!" bulalas ni Angelu de Leon nang hingan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon tungkol sa magandang lovelife ngayon ni Judy Ann Santos with boyfriend Ryan Agoncillo.

Matalik na magkaibigan sina Angelu at Judy Ann. Ito'y sa kabila ng dating kumpetisyon nila sa showbiz. Sa peak ng showbiz career ni Angelu noong late ‘90s, sila ni Judy Ann ay kabilang sa pinakasikat na teen actresses.

Matatandaang bago nagkaanak si Angelu ay siya ang top young actress ng Viva Films at ang tambalan nila ni Bobby Andrews ang isa sa pinakasikat na loveteam. Pero after magsilang ng anak nila ng boyfriend niya noon, si Joko Diaz, ay hindi na bumalik sa dati ang career ni Angelu.

Ngayon, habang namamayagpag ang career ni Judy Ann, mas pinili naman ni Angelu ang maging semi-active sa pag-aartista. Although napapanood pa rin siya sa telebisyon, hindi na gaano'ng aktibo si Angelu bilang aktres.

Sa pelikula naman, una at huli nilang pagsasama ni Judy Ann ang Aishite Imasu noong 2004.

"Masaya ako para kay Juday. Nakakainggit nga siya, sobrang ganda ng takbo ng lovelife niya, nila ni Ryan. Aminin ninyo, ang ganda-ganda ngayon ni Juday, huh! Isa ako sa mga umaasa and nagpi-pray na maging panghabambuhay na ang relasyon nila, na sana mauwi na nga sa kasalan ang relationship nilang dalawa," pahayag ni Angelu nang nakausap siya ng PEP sa Music Match Family KTV sa Tomas Morato.

Kumusta naman ang lovelife ni Angelu?

"Wala, talagang wala," sabi niya. "Para namang ganun kadali ‘yon. Sige nga, ihanap ninyo ako!

"No, seriously, akala nga ng iba, since ngayon wala na naman akong image na pinangangalagaan... I mean, since hindi na ako teenager, akala ng iba, mas madali na sa akin na makahanap ng boyfriend. But on the contrary, baligtad. Mas mahirap nga ngayon, mas nag-iingat nga ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi before, ang pinangangalagaan ko lang, ang image ko. Ngayon, ang pinangangalagaan ko, ang mga anak ko. Hindi ako puwedeng basta na lang pumatol kung kani-kanino. Kasi nga, iisipin ko, ang kapakanan ng mga anak ko.

"Kailangang doble ang pag-iingat sa pagpili ko ng lalaking mamahalin ko. Dapat ko na kasing isaalang-alang ang mga anak ko. Ang gusto ko, maganda ang image ko, hindi para sa akin, kundi para sa kanila.

"Siyempre kasi, gusto ko, lagi akong ipagmamalaki ng mga anak ko, na hindi sila mapipintasan or malalait dahil may ginawang hindi maganda ang nanay nila," paliwanag ni Angelu na may dalawa nang anak na babae, sina Nicole at Lois.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN