Gerald Anderson denies leaving manager, expresses utang na loob


Young actor Gerald Anderson is rumored to be bolting out of manager Jun Reyes's stable, like Joross Gamboa did last year. But Gerald denies this, saying that he is still under Jun's management.



After Joross Gamboa, maugong ang bali-balita na binitawan na rin diumano ni Gerald Anderson as his manager ang discoverer niyang si Jun Reyes.



Ayon sa mga lumabas na balita, pera rin ang itinuturong dahilan kung bakit nagdesisyon daw ang panig ni Gerald na kumalas na sa pamamahala ni Jun. Base naman sa ibang usap-usapan, masayado na raw nakikialam ang partido ng young actor, particular na ang ama ni Gerald, pagdating sa showbiz career ng anak.

Lumabas pa ang exact figure na binili raw ng ABS-CBN mula kay Jun ng halagang P500,000 ang natitirang limang taong kontratang pinirmahan ni Gerald sa kanya.

Matatandaang dahil din sa problema sa pera kaya kumalas si Joross sa management ni Jun late last year.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald last Sunday, July 22, sa hallway ng ABS-CBN ay binigyang-linaw niya ang isyung ito tungkol sa kanyang manager.



"That's not true," tanggi niya. "Kay Tito Jun pa rin ako at wala akong balak na umalis sa kanya. Pag may mga projects, rakets, sa kanya pa rin dumadaan. Sa totoo lang, di ko nga alam kung sino ang nagpapakalat ng isyung ‘yan."

Hindi man diretsahang inamin sa amin kung totoo bang nagkaproblema sila ni Jun, hindi naman itinago ni Gerald na nag-usap na ang ABS-CBN at si Jun tungkol sa pamamalakad ng kanyang career.



"Actually, nag-usap na sila," sabi niya. "Ako nagtatrabaho lang ako, sila ang nag-uusap kung ano ang arrangement nila. But everything is okay now, wala namang problema."



Ayon kay Gerald malaki ang utang na loob niya kay Jun dahil sa lahat ng mga bagay na tinatamasa niya sa ngayon.



"Tinatanaw ko ‘yung utang na loob na ‘yon, kasi manager ko ‘yon. I'll never forget that and just like I've said, wala akong balak na umalis sa kanya," diin niya.

Idinepensa naman ni Gerald ang pamilya, partikular na ang ama, sa lumabas na balita na masyado na raw itong nakikialam sa showbiz career niya na madalas daw na pinag-uugatan ng gulo sa pagitan ng pamilya niya at ni Jun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ako, wala akong kasama sa bahay. Sa lahat, ako lang mag-isa. Hindi nakikialam ang family ko, lalo na ang Tatay ko dahil may sariling trabaho ‘yon," sabi niya bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN