Angelica Panganiban discovers new things with boyfriend Derek Ramsey


"Naggu-golf kami na di ko ginagawa dati, nagpi-frisbee kami, dadalhin niya ako sa isang lugar na di ko pa napupuntahan... Mahilig siya sa mga suprises. Maraming excitement na nangyayari sa akin, ang bilis ng buhay ko pag kasama ko siya," says Angelica Panganiban about boyfriend Derek Ramsey.



Hot, sexy, daring. These are just a few words to describe Angelica Panganiban. Pero kasabay ng mga salitang ito na ikinakabit sa young actress ay ang pagbuo ng isang negatibong imahe kung saan tinatawag din siyang "pasaway," "nagwawala," "lasenggera," atbp.



Kumalat din ang balita na hindi rin daw isang simpleng relasyon ang namamagitan sa kanila ng boyfriend niyang si Derek Ramsey. Nagli-live-in na raw sila, kaya't ayaw na ayaw raw ng pamilya ni Angelica sa boyfriend.



Sa press conference ng A Love Story, ang pelikulang tinatampukan niya kasama sina Aga Muhlach at Maricel Soriano, ay isa-isang sinagot ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga isyung patuloy na ipinupukol sa kanya.



"Diyan sa sinasabi nilang pasaway daw ako, lasenggera, lakas-magyosi, etc., masakit siyempre.... Masakit pero as long as alam ko naman na hindi totoo, hinahayaan ko na lang sila kasi ganyan naman talaga ang ibang mga tao—gagawin nila ang lahat para bumagsak ka, lalo't alam ko na marami ang may ayaw sa akin. Sa akin kasi, kung sino ang nagsasabi ng totoo, siyang magwawagi sa huli," sabi ni Angelica.

DEREK RAMSEY. Aminado si Angelica na masaya siya sa itinatakbo ng relasyon nila ng boyfriend niyang si Derek Ramsey. Pero nilinaw niya na walang katotohanan ang balitang nagli-live-in na sila ng boyfriend. Hindi rin daw totoo na hindi boto ang pamilya niya kay Derek.



"Hindi na nga ako umuuwi ng bahay dahil sa dami ng trabaho ko, makikipag-live in pa ako?" natatawa niyang sabi. "Hindi rin naman ako pinalaki ng Mama ko na ganun. Feeling ko, para sa akin, di ko rin siya kayang i-handle kasi masyado pang maaga, lalo na di pa naman namin ganun kakilala ang isa'isa [ni Derek].

"Sa araw-araw halos na magkasama kami, lalo ko siyang nakikilala, unti-unti. Habang patagal nang patagal, may good, may bad. Siyempre, di ka puwedeng pumasok sa isang klase ng commitment na tinatawag na live-in kung hindi ka pa naman ganun kasigurado sa isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi rin totoo na hindi boto sa kanya ang family ko," patuloy niya. "Sobrang okey sa kanila si Derek. Nakikita kasi nila ‘yung drive ko sa pagtatrabaho simula nang makilala ko siya. Marami akong natutunan sa kanya, like ‘yung mga diskarte sa buhay, kung paano trumato ng tao, pahabain pa lalo ang pasensiya ko."

NEW EXPERIENCES. Acording to Angelica, laging may bagong experiences siyang nalalaman sa pakikipagrelasyon niya kay Derek.



"Naggu-golf kami na di ko ginagawa dati, nagpi-frisbee kami, dadalhin niya ako sa isang lugar na di ko pa napupuntahan... mahilig siya sa mga suprises. Maraming excitement na nangyayari sa akin, ang bilis ng buhay ko pag kasama ko siya," masayang kuwento ng young actress.

It seems that age doesn't matter between Derek and Angelica at kahit nga sa trabaho ay supportive sila sa isa't isa. Sa mainit na pagtanggap ngayon ng publiko sa tambalan nina Derek at Judy Ann Santos sa Ysabella at sa mga maiinit na eskena ni Angelica with Aga in A Love Story, hindi raw naging issue sa kanila ang salitang selos o insecurities.



"Sinusubaybayan ko ang Ysabella, supportive ako, e. Hindi ako naa-alarm kung dumadami ang mga Judy Ann and Derek fans, kasi ayoko rin naman na pag ako ang nasa posisyon niya, pigilan niya ako sa kung ano ang ginagawa ko, di ba?



"Hindi naging issue sa kanya ‘yung kissing scene namin ni Aga. Kinumusta niya lang ako. ‘O, kumusta naman ang kissing ninyo?' Pero nangungulit lang siya. Pag siya din naman may kissing scene, I'll ask him, ‘Bakit may kissing scene ka?' Pero naglalambing lang ako," pahayag ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN