Angel Locsin thanks Nadine Lustre, Kylie Padilla for looking up to her

IMAGE @nadine, @lalaflores16, and @kylinenicolepadilla on Instagram

Angel Locsin (center) thanks fellow Kapamilya star Nadine Lustre (left) and Kapuso actress Kylie Padilla (right) for admiring her.


Dalawang kapwa artistang babae ang pinasalamatan ni Angel Locsin, 33, dahil sa pagpapahayag ng mga ito ng paghanga sa kanya.

Ito ay sina Nadine Lustre, 25, at Kylie Padilla, 26.

Kamakailan, may entertainment reporter na nagtanong kay Kylie kung sino sa mga artistang babae ang hinahangaan niya.

“Si Angel. Si Angel Locsin,” sagot ng Kapuso actress.

Paliwanag pa ni Kylie, “She’s just everything. She has a heart.

"Sobrang dami niyang tinutulungang tao. She also advocates for strong women…"

Via Twitter, ito naman ang mensahe ni Angel kay Kylie: “Thank you, Kylie for the sweet words [heart emoji]. I really appreciate it coming from you [smiling emoji].”

Hinimok pa ni Angel ang mga kababaihang gayahin si Kylie na sumusuporta sa kapwa niya babae.

“Ladies, let’s be like @kylienicolep. Let’s support, encourage, compliment & cheer on fellow females, both in business & our personal life.

"And do it all with an inspiring amount of love & grace [heart emoji].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-thank you rin si Angel sa kapwa Kapamilya star na si Nadine dahil sa sinabi nitong gusto niyang makapareha si Angel sa paggawa ng isang action film.

Sa guest appearance ni Nadine sa Headstart ng ANC nitong March 8, inusisa siya ni Karen Davila kung sino ang gusto niyang makapareha sa pelikula bukod kay James Reid.

Sagot ni Nadine, "I would want to work with Ate Angel in an action film.

"I loved action movies when I was a kid. Even until now, actually."

Tila game din si Angel na magsama sila ni Nadine sa isang proyekto.

Tweet ni Angel: “Thanks Nadine![smile emoji] GAAAAAAME! Congratulations in advance sa Ulan! Exciting!”

Ang Ulan ay ang upcoming movie ni Nadine.

Ang mga tweet ni Angel at pagpapakita niya ng suporta kina Nadine at Kylie ay paggunita rin sa International Women's Day nitong March 7, Huwebes. 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN