Ogie Alcasid thanks Morissette Amon for reviving Regine hit

IMAGE Instagram

Ogie Alcasid thanks Morissette Amon for reviving "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka," which turned out to be one of wife Regine Velasquez's biggest hit songs.


Kinumpirma ni Ogie Alcasid na nagkaayos na ang asawa niyang si Regine Velasquez at ang ilang mga fans nito.

Binash kasi ng mga naturang fans si Morissette Amon nang mag-duet ang dalawa sa kantang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka" sa isang production number sa ASAP Natin 'To kamakailan.

Di napigilang sagutin ni Regine ang ilang mga tagahanga sa social media, matapos niyang maghinaing na pinapahiya siya ng ilang mga fans sa ibang tao.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ogie kamakailan sa Terminal 3 ng NAIA bago ito lumipad patungong Portugal para sa 39th Fantasporto Film Festival.

Lahad niya, “Parang nagkaayos na naman sila ng fans niyang yun.

“Naawa lang ako sa asawa ko pagka nahe-hurt siya.

“Siyempre bilang asawa niya, ayoko rin namang nakikitang nasasaktan ang asawa ko.

“Siyempre poprotektahan ko siya.

“But ganunpaman, Regine is a very level-headed person so wala na yun.

“Nagtampo lang siya siguro, nagtampo lang din siguro ang mga fans sa kanya pero okay na naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL TO MORISSETTE

Ni-revive ni Morissette ang kantang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka," pero para sa ilang tagahanga ng Asia's Songbird, si Regine lang daw ang may karapatan sa awiting isinulat ni Ogie para sa asawa.

Ayon naman sa singer/composer, nagpapasalamat nga sila kay Morisette dahil muli nitong pinakilala ang awitin lalo na sa mga millenials.

Paglinaw ni Ogie, “Kahit na ano pa man yan, siyempre ginawa ko yung kanta na yun para sa kanya.

“Siya ang original, siya pa rin ang lagi kong iisipin.

“Pero gaya ng sinabi niya, kaya nga sumikat uli ang kantang yun, dahil kinanta ni Mori, di ba?

“Si Morisette ay isa sa pinakabata at pinakamahusay nating mang-aawit.

“Para kantahin siya uli ng mga bata ngayon, ng mga millennials, malaking bagay na yun for us.

“Nagpapasalamat din kami kay Morissette at sa mga fans niya kasi nabigyan niya ng panibagong buhay yung awitin.”

REVITALIZED SINGING CAREER

Marami ang nakakapansin na ganadong-ganado at mukhang ini-enjoy nang husto ni Regine ang paglipat nito sa bakuran ng ABS CBN. Sinang-ayunan naman ito ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon niya, “Oo naman.

“Kitang-kita niyo naman na ganadong-ganado siya kumanta, binibigay niya talaga ang lahat para lalong mapaligaya niya ang mga fans niya.

“At the same time, yun ang na-miss natin kay Regine, yung kumakanta siya linggu-linggo.

“Nakakatuwa na binigyan siya uli ng pagkakataon na mapaligaya niya ang mga fans niya at magkasama kami—isa pa yun.”

SUCCESSFUL REGINE-VICE GANDA CONCERT

Proud na proud din ang singer/composer na naging matagumpay ang three-night concert nila Regine at Vice Ganda, ang The Songbird and the Songhorse na ginanap sa Araneta mula February 14-16.

“Proud? Super, mega.

“As her husband although di ko napanood yung first night dahil mayroon din akong show nun but I'm always been a believer that Regine, sa akin no. 1 siya.

“Nakakatuwa na mahal na mahal pa rin siya hanggang ngayon ng mga fans niya.

“Nakakatuwa na ang ganda-ganda ng teamwork nila ni Vice.

“Salamat din kay Vice dahil walang patid yung papuri niya kay Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kami naman bilang mag-asawa, mahal na mahal namin si Vice,” diin pa niya.

TRANSITIONING TO MORE SERIOUS ACTING?

Di man pinalad na manalo sa 39th Fantasporto Film Festival ay marami naman ang humanga sa husay na pagkakaganap ni Ogie sa Kuya Wes.

Masaya naman ang singer na magaganda ang feedback na natatanggap nila para sa pelikulang pinagbibidahan.

Pag-amin niya, “Di ko naman sinasadyang mangyari yun pero ginustos ko rin naman at one point na magkaroon ng shift sa acting career.

“Alam naman natin na mas kilala ako as comedic actor.

“Ang Kuya Wes ay medyo may pagka-drama. It's a dramatic role, may pagka-comedy din.

“I think lahat naman ng comedian gustong mag-shift papunta sa more serious role.

“Siyempre, hindi na tayo bata.

“At the same time, tinutularan natin ang mga idolo natin tulad nila Dolphy at Robin Williams.

“Yung mga nag-transition from comedy to drama like Tom Hanks, yun ang mga idol ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT EXPECTING ACTING ACCOLADES

Marami rin ang nagsasabi na malaki ang tsansa na manalo sa ilang award winning bodies si Ogie para sa mahusay na pagkakaganap bilang Kuya Wes.

Kibit-balikat niya, “Sabi nila, pero di ko alam, e.

“Ang dami-daming magagaling na actors sa atin, so mabanggit ka lang na mukhang mananalo, e malaki nang karangalan.

“Ma-nominate ka lang especially sa mga award winning-bodies... coz ang dami-daming pelikula na ginagawa sa Pilipinas every quarter, every month, every year.

“Yung mabanggit ka lang, nakakatuwa na yung Kuya Wes was named one of the best films last year at yung trabahp din natin bilang actor ay na-recognize din.

“Ang dasal ko yung pagdating ng commercial run which is on March 13, e tangkilikin din sana siya ng ating mga manonood, dahil siyempre di siya normal na comedy film na ginagawa ko.

“Maganda naman itong pelikulang ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN