Dingdong Dantes fascinated by daughter Zia's curious stage

IMAGE @dongdantes on Instagram

Dingdong Dantes on daughter Zia: “She’s really a completely different person. May sariling character, may sariling pagkatao."


Itinanghal ng isang Vietnamese website bilang isa sa pinakamagandang bata sa buong Asia si Maria Letizia “Zia” Gracia Dantes.

Kahit bata pa lang si Zia ay may sarili na siyang identity, kumpara sa kanyang mga sikat na magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

“She’s really a completely different person.

“May sariling character, may sariling pagkatao.

“So nakakatuwa, siya ay siya,” pagmamalaki ng ama nitong si Dingdong Dantes.

Dahil sa pagiging bibo ni Zia, hindi malayo ang posibilidad na pasukin din nito ang mundo ng showbiz.

Pero papayagan ba nila ito o hanggang sa mga commercials na lang muna?

Lahad niya, “Hindi pa rin namin masabi.

“Pero pagtanda niya, kung saan siya, doon kami.

“Susuportahan namin siya.

“Pero ang mahalaga, ang gusto namin, makatapos muna siya ng pag-aaral.

“Well, for example last night, yung konsepto niya ng kuwento, nandiyan na.

“Gustung-gusto niyang nagpapa-kuwento.

“So parang kagabi, bago matulog, meron kasi kaming nine days novena for Marian’s delivery, for her safety, so naku-curious siya kung ano ang ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi namin, it’s prayer, it’s the Rosary and then, kung bakit ginagawa yun, ipinapaliwanag namin.

“Nandoon yung curiousity niya para makinig.

“At naiintindihan na niya kung ano ang kahalagahan ng ganung kuwento.

“Nakakatuwa na nandoon na siya sa stage na yun.

“More than knowing other things, siguro, it’s best to keep her grounded and malaman talaga niya kung ano ang kanyang religion before anything else.”

EXCITED FOR SECOND BABY

May mga pinagpipilian na raw sila ni Marian na ipapangalan sa kanilang baby boy.

Tinanong nga namin siya kung mas iba ang excitement na alam niyang baby boy na ang magiging anak.

“Iba, iba-iba, pero parang same lang,” saad niya.

“Ibig sabihin, iba dahil second.

“Hindi ko naman sinasabi na mas higit yung excitement na yung boy kesa kay Zia. Ibang klase lang yung excitement.”

May kaba pa rin ba sa pagiging daddy kahit second baby na?

“Oo naman,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bagong daddy ako sa isa, bagong daddy ako sa dalawa.”

MOVIE PROJECT

Ang sisimulan ni Dingdong na bagong proyekto ay isang pelikula para sa VIVA Films.

Ang A Hard Day ang Philippine adaptation ng 2014 South Korean crime action thriller film na pinagbidahan ni Lee Sun-kyun at ipinalabas sa Director’s Fortnight ng 2014 Cannes Film Festival.

Kuwento ni Dingdong tungkol sa kanyang bagong project, “Action, suspense, comedy.

“May pagka-dark comedy kaya exciting.”

Magsisimula raw siya ng shooting kapag nakapanganak na si Marian.

Gusto nitong nasa tabi siya ng misis kapag dumating na ang araw na ipapanganak na nito ang ikalawang baby nila.

Kabilang nga sa preparasyon nila ay ang pagbabawas daw talaga ng trabaho.

Aniya, “Bawas trabaho at hangga’t maaari, yung oras mo talaga nasa bahay, kasi any moment, hindi mo masabi.”

Posible raw na end of March o early April ang due date ni Marian kaya siguradong sa Holy Week ay nasa bansa lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sure yun, nandito kami,” paninigurado niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa contract signing at launching niya bilang kauna-unahang brand ambassador ng Persian Avenue sa SM Annex, SM North EDSA noong March 8.

THE FAMILY THAT ENDORSES TOGETHER...

May endorsements na si Zia kasama ang kanyang ina.

Kung sakali, okay din ba kay Dingdong kung kunin din siyang endorser kasama ang kanyang mag-ina?

Mabilis niyang sagot, “Siyempre, that would be nice.

“When Zia was one year old, meron po kaming proyektong ginawa.

“Siyempre mas masaya kung ang mga katrabaho mo, yung mahal na mahal mo, di po ba?

“That would be very nice kung mangyari po ulit sa amin yun.”

SAVING ZIA'S EARNINGS

Bata pa lang si Zia, kumikita na talaga ito ng sariling pera.

Marami ang naku-curious kung ano ang ginagawa nila sa pera nito.

Diin niya, “That’s hers.

“So we make sure na hindi maglaho yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan mas dumami pa, mas lumaki dahil sa kanya talaga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN