FIRST READ ON PEP: PBB ''angels" to host ABS-CBN's new showbiz talk show


(From left) Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, and Bianca Gonzales are tapped to host ABS-CBN's newest showbiz-oriented talk show.



Sunud-sunod ang mga bagong programa sa ABS-CBN nitong nakaraang mga buwan. Ang pinaka-nakakagulat ay ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan ng ex-housemate at isa sa Big Four ng Pinoy Big Brother (PBB) na si Wendy Valdez—Margarita.



Maging si Wendy ay nawindang sa bilis ng series of events sa buhay niya at bagong show. Last week, ginanap ang story conference nila para sa Maragarita at noong Huwebes, July 19, kinunan ang teaser for the show kasama ang dalawang leading man niya: Diether Ocampo at Bruce Quebral. Kung hindi magkakaroon ng aberya, ngayong araw na ito ang first taping day nila para sa Margarita.



Bukod sa Margarita, buo na rin ang konspeto para sa pinakabagong showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.



Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ngayong araw rin magaganap ang unang pinakamalaking meeting ng top executives ng ABS-CBN, production staff, at hosts ng bagong Kapamilya talk show.



Kinumpirma ng aming source na ang tatlong "angels" ni Kuya ng PBB na sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, at Toni Gonzaga ang maghu-host ng bagong show.

Dahil sila ang mga hosts, matapang na haharapin ng tatlo ang anumang intriga, isyu, at kontrobersiya tungkol sa kanila. Handang-handa na raw dito sina Mariel at Toni, pati na ang super evasive sa pagsagot sa mga isyu—lalo na pagdating sa kanyang lovelife—na si Bianca.

Sa ngayon ay hindi pa sigurado kung ano magiging timeslot ng bagong showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, pero malaki ang posibilidad na ito ang itapat sa Startalk ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN