Ara Mina shyly talks about letting Deborah Sun stay at her condo for free

IMAGE Jerry Olea

Ara Mina pleads to producers to hire Deborah Sun: "Sana, kunin nila si Tita Deborah. Kasi, nagbago na naman siya, di ba? Ang nakaka-sad lang kasi sa mga dating nagkaroon ng bisyo, parang feeling nila, hindi na puwedeng magbago yung tao."


Nahihiya si Ara Mina sa beteranang aktres na si Deborah Sun, na magtatatlong taon na niyang pinatitira nang libre sa isang condo unit niya sa Cubao, Quezon City.

“Hindi ko nga pinagsasabi iyon,” sambit ni Ara nang makatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng pelikulang The Last Interview (The Mayor Antonio Halili Story) nitong Marso 10, Linggo, sa SM Lipa, Batangas.

Si Deborah mismo ang nagkuwento sa amin tungkol doon nang makita namin ang dating aktres sa lamay ni Marie Balbacui noong Huwebes, Marso 7, sa St. Peter Memorial Chapels, Quezon Avenue, Quezon City.

Pagpapatuloy ni Ara, “Si Tita Debs, marami talaga siyang kinukuwentuhan, like si Kuya Ipe [Phillip Salvador].

“Noong nagkita kami ni Kuya Ipe, sabi niya, ‘Salamat sa pagtulong mo, ha?’ Hindi ko naman sinasabi.

“Siguro, ganun lang na napa-proud lang siya...”

Sabi ni Deborah, hindi sila magkatropa ni Ara, pero tinulungan siya nito nang bonggang-bongga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, pumunta siya sa taping yata, may iaalok yata, 'tapos hindi niya ako naabutan,” malumanay na lahad ni Ara.

“And then, I heard what happened to her, noong kinumusta ko siya, mawawalan na nga siya ng matitirhan.

“E, meron akong isang extra condo unit na plano kong ibenta. Pinaalis ko yung nagre-rent doon, kasi I’m planning to sell it.

“Para gawin na lang siyang cash, at iano sa business. 'Tapos, siguro, kaya ko pinaalis... siguro, it’s meant for her na doon siya tumira.

“Kasi, pinaalis ko yung matagal nang nagrerenta doon.”


Stories We Are Tracking

Ara Mina, libreng pinatira sa bahay niya si Deborah Sun
Ara Mina, libreng pinatira sa bahay niya si Deborah Sun

THREE YEARS OF FREE RENT

Hanggang kailan niya patitirahin nang libre si Deborah? Wala pa ba siyang balak na maningil ng renta o paalisin ito?

Napabuntong-hininga si Ara, “Ahhhh... sa akin naman, wala naman yun.”

Sa Marso 26 o 28 ay three years nang nakatira roon nang libre si Deborah.

“Hindi ko nga alam, three years na pala?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbungisngis ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe! Hindi ko alam. Three years na pala yun. Ahhh... ganun kabilis ang panahon.

“Wala namang ano... Ang nakakatuwa naman kay Tita Debs, ano, e, hindi siya abusada.

“Tsaka ano ‘yan, hindi nakakalimot ‘yan na mag-text ng mga wisdom, quotes, verses from the Bible, yun.

“'Tapos, pag kukumustahin ko siya, kung OK pa siya... so, yun naman, nakaka-survive naman!"

Pakiusap pa ni Ara, “Sana, sana po, bigyan niyo siya ng trabaho.

"Ahhm, lagi ko rin siyang inaano sa mga E.P. [executive producer], ‘Baka kailangan niyo pa ng artista sa mga show niyo?’

“Sana, kunin nila si Tita Deborah. Kasi, nagbago na naman siya, di ba?

“Ang nakaka-sad lang kasi sa mga dating nagkaroon ng bisyo, parang feeling nila, hindi na puwedeng magbago yung tao.

“Actually... ako pa nga ang nahihiya!

“Kasi, maliit lang yung condo ko, e!

“Sabi ko sa kanya, ‘Tita, OK lang ba?’ Yun.”

Gumanap si Ara sa The Last Interview bilang Gina Halili, misis ng pinaslang na si Tanauan Mayor Thony Halili aka Mayor Parada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayo 22 ang playdate ng The Last Interview, na iprinodyus at idinirek ni Ceasar Soriano.

Nasa cast din nito sina John Estrada, Martin Escudero, Ceasar Soriano, Mon Confiado, Yayo Aguila, at Juan Miguel Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN