Gretchen, Claudine publicly display their affection for each other

IMAGE Courtesy: @claubarretto on Instagram

Sisters Claudine and Gretchen Barretto traded kiss, hugs during their visit in an unnamed mall yesterday, March 10.


Back in each other’s arms na talaga ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto pagkatapos ng halos anim na taong alitan.

Tuluy-tuloy na ang maganda nilang pakikitungo sa isa’t isa, kung saan dalawang beses nang bumisita si Claudine sa mansion ng kapatid sa Forbes Park, Makati.

Una na nga rito noong February 27, kung saan dinalhan ni Claudine ang kanyang Ate Gretchen ng mga alimango at scallops mula sa Roxas City, Capiz.

Pangalawa, noong March 6, kung saan sinorpresa ni Claudine si Gretchen sa ika-49 kaarawan nito.

Kahapon, March 10, nag-upload naman si Claudine ng video nila ni Gretchen na namamasyal sa isang mall.

Sa video, makikitang hindi mapaghihiwalay ang dalawa habang naglalakad.

Halik nang halik naman ang mag-ate sa isa’t-isa.

Caption ni Claudine sa kanyang post, “I Love the way You Love Me @gretchenbarretto Thank you.”

Ayon sa mga komento, mukhang na-miss ng dalawa ang samahan ng magkapatid.

Umaasa naman ang netizens na sunod na makakabati ni Gretchen ang isa pa nitong kapatid na si Marjorie Barretto at ang mga magulang na sina Inday at Miguel Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN