K Brosas, Gerald Anderson recall happy times with Chokoleit

IMAGE Instagram

K Brosas ( left photo wearing a scarf) and Gerald Anderson (right photo) post videos showing happier times with the late comedian Chokoleit (center photo and the one with the hoodie on the left).


Bagamat nadudurog ang puso ni K Brosas sa biglaang pagpanaw ng matalik niyang kaibigang si Chokoleit, pilit niyang inalala ang masasayang kabanata ng kanyang buhay kasama ito.

Mga ganitong panahon noong 2018 ay naisingit daw nina K at Chokoleit ang isang mini vacation sa U.S. pagkatapos ng kanilang concert shows doon.

Makikitang super enjoy silang umiinom ng champagne habang nag-i-snow sa labas ng veranda na kinatatayuan nila.

Sabi pa ni K, “kung gaano ka kakulit SA stage walang sinabi yon pag tayo tayo lang…

“kc eto ka talaga.. habang may champagne.. chikahan galore about SA mga seryosong bagay SA ating personal na mga buhay na never kong makakalimutan..

“paki cheers na lang ako SA langit.. I’m sure yung pinaka mahal na champagne ang binuksan para sayo..”

Sa hiwalay niyang Instagram post kahapon, March 10, naikuwento rin ni K na mas naging close sila ni Chokoleit nang kunin sila parehong ninang ng anak ni Pokwang na si Malia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig daw mag-alaga ng aso si Chokoleit, kaya niregulahan nila ito ng isang mamahaling aso noon. 

“isang aso mo gift namin sayo na hati hati kami ni pokie At Pooh.. kahit mahal dedma kc never naging issue ang pera saten.. At ganon ka namin kamahal..

“Pati mga anak namin ni pokie mahal na mahal ka.. gumugulong kami SA kakatawa sayo..

“ako, minsan hindi nako sumusunod SA script dahil tawa na lng ako NG tawa... hirap NG ganito..”

Dapat ay kasama raw si K sa provincial show na dinaluhan ni Chokoleit sa Abra; pero hindi siya nakarating dahil sa conflict of schedule.

“dapat nasa Abra din ako, alam nila yan pero biglang hindi nag pwede sched ko...

“hindi ko alam gagawin ko kung andon pala ako.. grabe ka chokie, pwede naman na Di ka na nag show pero dahil kilala kita tinuloy mo kahit sobrang hirap.

“Hanggang SA huling hininga mo PinilI mo pa rin magpatawa... sino na ngayon ang Mang aasar samen ni pokie?? Sino ka duet na ni Pooh??"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malungkot na dagdag ni K, “Hindi ka mapapalitan kelan man kc nag iisa ka.

“Sobrang mahal kita.. At Di ko alam pano ako babangon ngayon, literal.. sana makita kita At makausap SA panaginip.

“Di ko alam gagawin ko kundi Magdasal. Isa kang ALAMAT chokie.. I love you so much!”

Pagkatapos ng show ni Chokoleit sa Abra ay isinugod siya sa ospital dahil nakaramdam siya ng hirap sa paghinga.

Ngunit hindi na naka-recover si Chokoleit at tuluyang binawian ng buhay dahil sa pulmonary edema at heart attack, ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online.

Pumanaw si Chokoleit sa edad na 48. 

Sa kabilang banda, bumuhos ang iba pang mensahe mula sa showbiz personalities na minsang nakatrabaho at naging malapit kay Chokoleit.

Kabilang dito sina Gerald Anderson, Charlene Gonzalez, at Niño Muhlach.

GERALD ANDERSON

Kahapon, March 10, ibinahagi ni Gerald sa kanyang Instagram ang short video clip ng pekeng torrid kissing scene nila ni Chokoleit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikitang kuha ito sa loob ng opisina ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na parehong kinabibilangan nina Gerald at Chokoleit.

Hawak ni Gerald ang mukha ni Chokoleit habang kunwari’y hinahalikan ito sa pisngi.

Ikinatuwa ito nang husto ni Chokoleit, na sa bandang huli ng video ay tawa nang tawang niyakap pa si Gerald.

Ang simpleng caption ni Gerald: “Mamimiss ka namin [prayers] @hot_chokoleit”

CHARLENE GONZALEZ

Nagbigay-pugay naman si Charlene Gonzalez sa kontribusyon ni Chokoleit bilang isang talented comedian sa showbiz.

Dati silang nagkatrabaho sa defunct ABS-CBN sitcom na Oki Doki Doc.

“Nakikiramay kami sa lahat na nagmamahal kay @hot_chokoleit [prayers emoji] We worked together before in a sitcom & he always found a way to make people smile...

“The entire industry will miss you. Thank you for sharing your talent and laughter with all of us.

“You will be missed.. Rest In Peace our dear friend [prayers emoji]” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JASON ABALOS

Ginunita rin ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang isa sa mga kulitan nila ni Chokoleit.

Makikita sa Instagram post ni Jason ang litrato nilang dalawa kasama ang comedian na si Pooh, na malapit na kaibigan at katrabaho ni Chokoleit. 

Isang crying emoticon ang tanging caption ni Jason sa kanyang post. 

 

NIÑO MUHLACH

Nagbahagi naman si Niño Muhlach ng throwback photo nila ni Chokoleit kung saan pareho pa raw silang mukhang “bagets.”

Sabi sa caption ni Niño: “Haay @hot_chokoleit bat kasi bigla bigla kang umalis, pwede namang magpaalam.

“Sigurado, Lalong sasaya sa langit. (Sana sa langit nga) salamat sa alaala kaibigan.

“Bagets pa tyo dito sa mga pics natin. Oh sya, Baboo na! RIP”


Stories We Are Tracking

Comedian Chokoleit dies at 48
Comedian Chokoleit dies at 48
Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death
Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death
Claudine Barretto, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, other celebs grieve over Chokoleit's death
Claudine Barretto, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, other celebs grieve over Chokoleit's death
JM de Guzman recounts Chokoleit's last moments
JM de Guzman recounts Chokoleit's last moments


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN