Jericho Rosales talks about his passion for music


"Na-imagine ko talaga noon na magiging singer ako pagdating ng panahon... Hindi naman sa hindi nila naa-appreciate ang pagiging singer ko, pero kasi mas na-appreciate nila ‘yung soap," says Jericho Rosales about his love for music.



Successful ang huling show ni Jericho "Echo" Rosales with his Jeans Band sa Ratsky's Malate last Saturday, July 21. The group dished out a varied repertoire, from pop jazz to alternative-rock Jeans originals, to '70s and ‘80s funky and groovy hits, to present favorites.



Kinanta rin ni Echo ang second single ng Jeans, ang "Tuwing Nakikita Ka," mula sa debut album nila titled Loose Fit under EMI Records. May music video rin ang kanta na idinirek mismo ni Echo.



"Kailangan din talaga makikinig ka ng bagong songs. Ang repertoire namin is more than thirty. Depende kung ano, sa isang show, normally one hour and fifteen, mga twelve to fifteen songs. May mga gabing madaldal ako. Basta laging one long concept," kuwento ni Echo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after their show.



Kung tutuusin, hindi hamak na mas malaki ang kinikita ni Jericho sa pag-aartista kesa sa pagkanta. Pero ibang klaseng fulfillment daw kasi ang nararamdaman niya sa pagkanta.



"For example, I want to be a director, I want to be a singer. Somehow, pag may mga ganyang shows, nadidirek mo na ng konti, di ba? So, opening, how do you want your opening? Paano after opening, ano'ng gagawin mo? Ano'ng spiels mo?

"Iyong music videos, venue ko ‘yan to direct my own thing. Parang ganun. Tapos pagsulat ng kanta, pagtugtog, paggitara. Lahat ‘yan ibang klase para sa akin," paliwanag niya.

PASSION FOR SINGING. Noon pa raw gustong kumanta ni Echo bago pa man siya naging member ng Star Circle Batch 4 ng ABS-CBN Star Magic.



"Mas nagustuhan nila noon ang pagsayaw ko," sabi niya. "Nagsimula lang mabalik ‘yung passion ko for singing nung mag-Hunks kami. Lagi kaming nagsu-show," sabi ni Echo, na ang tinutukoy ay ang grupo nila noon, kasama sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, at Bernard Palanca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Na-imagine ko talaga noon na magiging singer ako pagdating ng panahon. Francis Magalona pa lang, naggaganun na ako, e. Hindi naman sa hindi nila naa-appreciate ang pagiging singer ko, pero kasi mas na-appreciate nila ‘yung soap.



"Ayaw nila [Star Magic] nung una. ‘May gig po kami.' ‘Naku. mag-ano ka na lang.' Tapos may nagsasabi akin na commentator, may nakasalubong ako na commentator, ‘O, ano, musikero ka na lang? 'Yung mga ganun, ‘Aray! Teka lang? Ano ba ang tingin mo sa mga musikero?' Parang ganun, di ba? Pero hindi, e. Iba ‘yung trip, iba ‘yung fulfillment."

May mga nagsasabi rin na ginagaya niya ang style ni Gary Valenciano.

Ayon kay Jericho, "Hindi lang parang ginagaya si Gary V, ginagaya ko rin daw si Bamboo. I guess, sa bawat isang artist, may natural na lumalabas sa ‘yo na kahawig.



"It's like this, I could say Sir Gary is a great and big pillar para ma-express ko ‘yung sarili ko through moving and dancing. Pag sinabi mong groovy, pag si Sir Gary may groove, may groove din ako. Almost similar na ‘yon, di ba? But si Sir Gary, sinasabi niya sa akin, ‘No, you have your original move. Huwag mong iisipin na wala."



Bakit naman siya nasabing ginagaya niya si Bamboo?



"I guess that time na nag-perform kami sa MTV, kalbo ako. E, sabi nila, magkamukha kami ni Bamboo. So, parang feeling nila, ginagaya ko siya. Nagpakalbo ako noon kasi ‘yon ‘yung relax time ko. Downtime ko ‘yon, e. After Pacquiao ‘yon. Patay na kasi ang buhok ko that time kasi ini-straight nila, e. So kinalbo ko, kinalbo kong mag-isa," paliwanag niya.



May unforgettable moment si Jericho during his last performance sa Ratsky's. Nasira ang suot-suot niyang leather shoes habang nagpe-perform.



"Yeah, that was the first time. Ido-donate ko ‘yon dito sa Ratsky. Sumabit doon sa isang speaker na mabigat kasi kagagalaw ko. Buti na lang may dala akong extra shoes. Pero kung wala, magpa-paa talaga ako. Hiyang-hiya talaga ako kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kapag umaakyat kasi ako ng stage, ang daming pumapasok sa isip ko. Kamukha ko si ganito, kamukha ko si ganyan. Hindi naman sa ayaw kong ma-compare kasi magagaling naman ‘yung sinasabi nila, e. But still, respect ko na lang sa kanila.



"But I got naman the blessing from Sir Gary. He said, ‘No, keep doing what you're doing. Kaya kahit paano I'm okay," sabay buntung-hininga ni Echo.

ECHO'S SON. Bago mag-show si Jericho ay nakasama niya ang kanyang anak na si Santino. Anim na taon na raw ang kanyang panganay at nakakasama niya kapag weekends. Medyo na-amaze daw si Santino kapag may mga fans na lumalapit sa ama at nagpapa-autograph kapag namamasyal sila.



Napangiti naman si Jericho nang banggitin namin na Santino rin ang pangalan ng baby nina Raymart Santiago at dati niyang leading lady na si Claudine Barretto, pati na ang first baby nina Martin Nievera at Katrina Ojeda.



"Santino Gabriel ang complete name ng anak ko. Sa akin galing ‘yung saint. Ginawang Santino ng Mommy niya. Ang laki na nga niya, e. Hindi ako makapaniwala. Nag-aaral siya sa New Manila," very proud na sabi ni Echo.



Nagti-taping na si Jericho para sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN at first team-up nila ni Sarah Geronimo, ang Pangarap Na Bituin. Kasama rin nila rito sina Rica Peralejo at Maja Salvador, with Erick Salud as director. Musikero ang role ni Jericho sa bago nilang teleserye, kaya relate na relate siya sa kanyang character.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN