Claudine Barretto no-show at Julia's birthday celebration

IMAGE Courtesy: @g3cafe / @marjbarretto on Instagram

Claudine Barretto and niece Julia Barretto (left) during the latter's debut in 2015. Last Saturday, March 9, Julia celebrated her 22nd birthday with mom Marjorie Barretto and grandparents Miguel and Inday Barretto to the occasion. Claudine was not able to attend this time.


Ipinagdiwang ni Julia Barretto ang kanyang ika-22 kaarawan kahapon, March 10.

Ngunit noong Sabado ng gabi, March 9, ginanap ang kanyang bonggang birthday celebration sa garden ng kanilang bahay.

Maraming celebrities ang dumalo sa pagtitipon, kabilang na ang nobyo nitong si Joshua Garcia.

Sa mga in-upload na larawan ng ina ni Julia na si Marjorie Barreto kahapon, March 10, makikitang masaya siya dahil dumalo sa kaarawan ng anak ang grandparents nitong sina Miguel at Inday Barretto.

Ngunit kapansin-pansing wala sa selebrasyon si Claudine Barretto, bunsong kapatid ni Marjorie at tita ni Julia.

Maiintindihan ng mga tao kung wala ang isa pang tita ni Julia na si Gretchen Barretto dahil may "silent war" sila ni Marjorie simula pa noong 2015.

Naayos na ang alitan nina Claudine at Marjorie kaya may mga nagtataka kung bakit wala ang una sa pagtitipon ng pamangkin.

Lalo pa't noong 18th birthday ni Julia sa Makati Shangri-La Hotel, Makati City, noong March 10, 2015, dumalo si Claudine at ang mga magulang nitong sina Miguel at Inday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin sa 22nd birthday party ni Julia ang ama niyang si Dennis Padilla.

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN