Edgar Allan Guzman denies getting back together with Shaira Diaz

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman insists he and Shaira Diaz have not reconciled.


“Okay naman, we’re friends.”

Ito ang sagot ni Edgar Allan Guzman tuwing kinukumusta sila ng aktres na si Shaira Diaz.

Ayon sa Kapuso actor, nananatili silang magkaibigan at hindi sila nagkabalikan ni Shaira.

Itinanggi rin ni Edgar na ayaw lamang nilang umamin na muli na silang magkasintahan ng aktres.

Aniya, “Ay, hindi po, hindi po.”

Wala rin naman daw pumipigil sa kanila para umamin.

Sa tanong kung paano niya napapanatili ang friendship with an ex-girlfriend, sagot ni Edgar, “It’s mutual naman, e.

"Kumbaga, nasa pag-uusap ninyo naman yun. 

"Kung maayos kayong naghiwalay, kung wala namang third party or issue, well, you can still be friends, di ba?"

Sa ngayon daw ay walang chance magkabalikan sina Edgar at Shaira.

Paliwanag ng aktor, “Trabaho, may love team siya, ako gusto ko ding makahanap ng love team.”

Itinuro ni Edgar ang aktor na si David Licauco bilang bagong kapareha ni Shaira. Mayroon daw pelikulang ginagawa ang dalawa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto rin ni Edgar na makahanap ng sariling ka-love team.

Aniya, “Oo naman, oo naman, kumbaga gusto ko din maranasan ulit yung mayroong kapareha.”

Dalawang pangalan ng Kapuso actresses ang ibinigay ni EA na nais niyang maka-love team, mga aktres na di pa niya nakakatrabaho.

Aniya, “Sa GMA… si Kris Bernal, si Sanya Lopez, yun. 

"So, yung mga morena look, yun yung mga gusto kong kapareha."

EDGAR ALLAN OR EA GUZMAN?

Samantala, inusisa namin sa Kapuso actor kung ano na ba talaga ang screen name niya—Edgar Allan Guzman o EA Guzman?

“Actually, kahit ano, e, para mas okay.

"Pero wala pang definite decision sa GMA, actually gusto ko ngang pag-usapan ‘yan.”

Sa tingin ba niya ay hindi mako-confuse ang mga tao?

“Well, yun yung naiisip ko, yun yung nakikita ko. 

"Pero yun nga, kailangan kong kausapin sila, kung makapag-decide kung ano ba talaga yung ilalabas sa akin na pangalan, EA ba or mag-i-stay kami sa Edgar Allan Guzman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Edgar, mas okay sa tingin niya ang Edgar Allan Guzman, "kasi mas mahaba.”

DRAGON LADY

Napapanood si Edgar Allan sa afternoon drama series ng GMA-7 na Dragon Lady.

“Ako po dito si Goldwin Chen, isang Chinese businessman, na makikigulo sa love story nila Tom Rodriguez and Janine Gutierrez,” paglalarawan niya sa kanyang role.

Kontrabida siya?

“Papunta dun, pero pa-third party din.

"So, papasok si Janine sa kumpanya namin. Bilang executive nung kumpanya, mamaliitin ko siya kasi dina-down ko siya, hindi niya kayang magpatakbo ng company kasi babae siya.

"So, habang minamaliit ko siya, dun ako nagkakagusto, napu-fall sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan sa grand mediacon ng Dragon Lady noong February 28 sa Shangri-La Finest Cuisine Restaurant, West Avenue, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN