Gabby Concepcion sued by brother over fraudulent sale

IMAGE Noel Orsal

Gabby Concepion allegedly sold family lot in San Juan without the knowledge of their mother Maria Lourdes Concepcion, his younger brother Miguel Concepcion told the media.


Nahaharap sa reklamong falsification of public documents ang aktor na si Gabby Concepcion—Gabriel Arellano Concepcion sa totoong buhay.

Ito ay kaugnay ng reklamong inihain ng nakababatang kapatid ng aktor na si Miguel Concepcion sa Criminal Investigation and Detective Group-National Capital Region (CIDG-NCR).

Ayon sa reklamo ni Miguel, nagkaroon daw ng anomalya sa pagbenta ni Gabby ng pagmamay-aring lupa ng kanilang inang si Mrs. Maria Lourdes Concepcion Arellano sa San Juan City na may sukat na 890 square meters.

Ayon pa sa abugado ni Miguel na si Tyrone Cimafranca, base sa ulat ng Manila Bulletin, hindi maaaring maibenta ng ina nina Gabby ang nasabing lupain sa may 3736 P. Guevarra St., Barangay Addition Hills, sa halagang PHP4.45 million dahil nasa ibang bansa ito nang i-notaryo ang kasulatan.

Saad ng abugado, “Their mother was in the United States and could not have signed the documents nor appeared infront of the notary public as stated in the acknowledgement page submitted to the Land Registration Authority [LRA].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naipasa na raw nila sa CIDG-NCR ang kopya ng pasaporte ni Mrs. Concepcion na nagpapakita ng kanyang pag-alis at pagbalik sa bansa galing sa Amerika.

Ang signatories din daw sa deed of sale ay residente ng San Juan ngunit naipa-notaryo raw ito sa Tagaytay City.

Hindi rin daw awtorisado ang nag-notaryo nito sa registry of attorneys ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Nalaman lamang daw ni Miguel na nailipat na sa ibang pangalan ang pagmamay-ari ng lupa noong nakabalik na siya ng bansa dalawang buwan na ang nakararaan.

Ninais daw niyang kausapin ang nakatatandang kapatid na si Gabby ngunit hindi raw siya pinapansin nito.

Sabi pa ni Miguel, “I kept asking him for a meeting to clear things up but he ignored all my request.

“So, I’m resorting into this action to correct what is wrong.”

Ayon naman sa ulat ng Journal Online, sinabi ni CIDG-NCR Chief Supt. Tom Ibay na nililikom na nila ang mga kaukulang dokumento para sa reklamo bago nila imbitahan si Gabby para maimbestigahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawa si Gabby sa anim na magkakapatid, samantalang si Miguel naman ang panglima.

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa isang taong malapit sa aktor upang hingin ang kanyang panig tungkol dito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close