Ryza Cenon recalls first and last meeting with Chokoleit in Abra

IMAGE Jerry Olea / Instagram


First time nakita ni Ryza Cenon si Chokoleit noong Marso 9, Sabado, sa Bangued, Abra.

Performers sila sa variety show ng Abrenian Kawayan Festival 2019.

“Una ko siyang nakilala, sa gym. Doon kasi kami magdi-dinner,” lahad ni Ryza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa first night ng burol ni Chokoleit nitong Marso 11, Lunes, sa isang punerarya sa Antipolo City.

“And then, lumapit po ako sa kanya. Nagpakilala po ako sa kanya, na sabi ko, ‘Hi po! Ryza Cenon po!’

“'Tapos, nag-hi naman siya.”

Walang napansing kakaiba si Ryza kay Chokoleit dahil first time pa lang niya itong nakaharap.

Naunang mag-perform si Chokoleit kesa sa mga bida ng palabas na sina Ryza, Paulo Avelino, Enchong Dee, Pops Fernandez, Coleen Garcia, at JM de Guzman.

“Noong kinanta niya ang song na 'Kahit Ayaw Mo Na,' sinasabayan namin siya sa backstage,” pagngiti ni Ryza na may bahid ng pait.

“Kaya pala yung pagkanta niya, medyo mabagal. Na naiiwan na siya sa minus one...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hirap na po pala siyang huminga nun... tinapos niya.

“Sobra hong napaka-professional ng taong yun.”

Magkasama sa stand-by area sina Ryza at Paulo.

Second to the last performer kasi si Ryza, at si Paulo ang panghuli.

“Una, pumasok yung promoter at sabi sa amin na nag-collapse si Chokoleit pagbaba niya ng stage,” matamang kuwento ni Ryza.

“'Tapos, itinakbo ng ambulance sa hospital.

“Medyo worried na kami. Nabigla rin kami na ganun ang nangyari.”

THE SAD NEWS

Bandang 1 A.M., bago pa sumalang sa stage si Enchong (third to the last performer), sinabihan silang pumanaw na si Chokoleit.

Hindi iyon ini-announce sa audience.

“Ang hirap po!” gumagaralgal ang boses ni Ryza.

“Nakita kong umiyak yung promoter... siya yung nagbabalita po kasi sa amin.

“So, kami, gusto man naming damayan... kaya lang, may show po kasi kami. Mahirap po...

“After ng show, doon po in-explain sa amin ng promoter yung talagang nangyari...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ambulance pa lang, parang tirik na daw po si Chokoleit.

“'Tapos, sinubukan na lang i-revive pagdating sa ospital.”

Tulala si Ryza nang bumiyahe pabalik ng Manila.

Napagtanto niya, “Hiniram lang talaga natin ang buhay natin kay God.”


Stories We Are Tracking

Comedian Chokoleit dies at 48
Comedian Chokoleit dies at 48
Chokoleit's last words a premonition
Chokoleit's last words a premonition
JM de Guzman recounts Chokoleit's last moments
JM de Guzman recounts Chokoleit's last moments
Chokoleit, inatake sa puso habang nasa stage -- heart doctor
Chokoleit, inatake sa puso habang nasa stage -- heart doctor


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close