Rustom Padilla's self-revelations on a night of food and fun


"Paano nga magkaka-love life ang sister mo? Parang mongha, laging nasa loob ng bahay. Kasi nga, nagkasakit. Ngayon pa lang ako bubuwelo. Masarap ang ma-in love, di ba?" says Rustom Padilla.



After mag-guest si Rustom Padilla sa Showbiz Central last Sunday, July 22, ay naka-dinner siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa bahay ng The Library manager na si Danny dela Cruz.



Matagal-tagal naming hindi nakita si Rustom at pawang palitan lang ng tawag o kaya text messages ang nangyari.



"Inabot na naman kasi ako ng depression," pag-amin niya. "Natakot talaga ako nung tumabingi ‘yung mukha ko. Kaya kung ano ang sinabi sa akin ng doktor ko, ‘yon muna ang ginawa ko. So, kasama sa therapy ko ‘yung magpahinga talaga and do a lot of therapy."



Ano ba talaga ang nangyari sa kanyang mukha?



"Meron daw nerve kasi na nagalaw sa mukha ko kaya naging numb siya. E, hindi ka ba matatakot no'n, na hindi gumagalaw ‘yung kabilang parte ng fez mo? Kaya kung anong mga therapy ang kailangan kong sundin... ‘Ayun, nanahimik muna ako," kuwento niya.

FILMMAKER. After sumalang ni Rustom sa Kung Ako Ikaw, ang bagong comedy-reality show ng GMA-7, kung saan nanalo siya ng one hundred thousand pesos, ano ang susunod niyang projects?



"Hindi ko inuwi lahat ng napanalunan ko, ha?" pagtatama ni Rustom. "Hinati ko ‘yon sa dalawa ko pang sisters [Mel Martinez and John "Sweet" Lapus] na kalaban ko. Siyempre, sayang naman ang pinagpaguran naming mga magaganda!



"Mag-i-start na akong mag-assistant director kay Direk Chito Roño," patuloy niya. "Iyon ang isa ko pang gustong gawin dahil ‘yon naman talaga ang pinag-aralan ko when I stayed in New York for a long time, ang filmmaking. I want to become a good filmmaker. And nag-uusap na nga kami ni Direk about it. So, kung hindi man ako makita sa harap ng TV o pelikula, meron pa rin naman akong ibang pagkakaabalahan.



"May plano rin ako to do my own indie movie. May mga kausap na rin akong magpi-finance nito na tutulong sa akin. Yes, maglalabas din ako ng ipon ko for this movie. No, hindi naman ako ang artista. Producer and director lang muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, di ba, noon pa, marami na akong naiipong mga ideas sa gusto ko talagang gawing movie? So, hopefully, isa-isa na ‘yung magkaroon ng katuparan in the days to come. Kung meron pang time, dadagdagan ko pa rin ang pag-aaral ko sa gusto kong pasukin. Siyempre, every now and then, maraming mga bagong kaalaman ang nadadagdag about making movies and the likes," pagse-share pa ni Rustom, na very confident na sa kanyang sexuality ngayon.



ZERO LOVELIFE. Hindi sa dinner na ‘yon natapos ang tsikahan namin ni Rustom. Umabot pa kami sa The Library sing-along bar, kung saan maraming panahong ginugol noon si Rustom kung gusto niyang mag-unwind from showbiz. Nakita na naman niya ang mga kinagigiliwan niyang hosts. At one point, may couple na nagse-celebrate ng kanilang 8th anniversary at kinantahan ng lalake ang babae. Aliw na aliw si Rustom.

Hindi ba siya nainggit?



"Oo nga. Bakit sa akin, walang ganyan? ‘Yung kinakantahan ako. ‘Kainis!" sabi niya habang tumatawa.



After four gulps of tequila, ‘ayun na ang Rustom at kumakanta na sa entablado ng mga paborito niyang kanta. Hanggang sa nag-host na at siya na ang nag-interview sa couple who were celebrating their anniversary.



E, si Rustom, kumusta naman ang lovelife niya?



"Paano nga magkaka-love life ang sister mo? Parang mongha, laging nasa loob ng bahay. Kasi nga, nagkasakit. Ngayon pa lang ako bubuwelo. Masarap ang ma-in love, di ba?



"Naku, huwag mo namang sabihing wala akong mahahanap. On second thought, oo nga, mas maganda nga yatang magbisi-bisihan na lang muna ako sa work at hayaan na lang nating dumating siya nang hindi inaasahan. Para may element of surprise," nakatutuwang pahayag niya.

CONCERN FOR FELLOW ARTISTS. Naging seryoso na ang usapan habang lumalalim na ang gabi at kulang na lang na sumikat ang araw. Napunta ang kuwentuhan tungkol sa mga kapwa niya artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Bukod sa respeto kasing ibinibigay natin sa mga artists natin—lalo na sa mga veterans o seniors na—ang sa akin naman, sana there is a way para ma-preserve pa rin ang worth nila. Kasi dito, pag matanda ka na, kahit na lumalabas ka pa rin sa mga projects sa movies at sa TV, ang tingin ng iba, laos ka na.

"Sana, maging gaya sa Hollywood na habang tumatanda ang mga artista, mas lalong nagkakaroon ng value. Kaya dapat din siguro, alam ng mga artista how to make a graceful exit. Para kung bumalik man, talagang aabangan at hindi ‘yung may kasamang lait ng mga tao."



Naniniwala si Rustom na bawat artista, alam ang saturation point nila. Pero naitanong namin sa kanya kung bakit ‘yung iba, nagkakapare-pareho na nga sa mga linyang hangga't gusto pa sila ng mga tao ay nandiyan pa rin sila.

"Ako, hindi naniniwala kasi sa ganun, e. Hangga't gusto ka ng tao, oo. Pero hanggang ano naman ang kaya mong ibigay sa mga tao sa inaasahan nila sa ‘yo, di ba? Ayoko pa ring ma-disappoint sila sa akin. Hangga't kaya ng powers ko, period. Pero ‘yung just to please na hindi na puwede, hindi rin maganda ang magiging resulta, di ba?" paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN