Jopay Paguia carries her "biggest" role in "Daisy Siete"


"Ang hirap nga lang talaga. Dapat nakatapat ka sa aircon dahil balde-baldeng pawis yata ang lumalabas sa akin. Sinasanay ko na rin ang sarili ko sa bigat dahil ilang kilo din 'yang dala-dala mo," narrates Jopay Paguia about wearing kilos of prosthetics.



Tuwang-tuwa ang SexBomb Girl na si Jopay Paguia nang malaman niyang siya ang napiling gumanap bilang "Tabachingching," ang title role sa Season 16 ng Daisy Siete.

Sobra raw ang hirap na ibinubuhos ni Jopay sa role. Ilang kilo rin ng prosthetics ang kailangan dikit sa kanyang katawan para magmukha siyang mataba.

Sa kanyang mukha—noo, ilong, at labi lang ang walang nakadikit na goma. Pitong oras ang ginugugol para pagmukhaing mataba ang kanyang mukha.

Ang kanyang katawan naman, isusuot sa isang body suit na gawa sa foam, tela, at tubig na nasa loob ng plastic. Ang hitsura daw nito, alun-alon na taba.

Kaya naman ang kanyang waistline na 25 inches ay nagiging 52 inches na!

"Ang hirap nga lang talaga. Dapat nakatapat ka sa aircon dahil balde-baldeng pawis yata ang lumalabas sa akin. Sinasanay ko na rin ang sarili ko sa bigat dahil ilang kilo din yang dala-dala mo," kuwento ni Jopay.

"Nagsimula nga kami ng alas-otso ng umaga, alas-dos na ngayon lang natapos ang makeup at paglagay ng prosthetics. Nakatulog na nga ako kanina. Lahat ‘yan, pati leeg, kamay, binti, talagang tinatakpan."

Itinanggi naman ni Jopay na nagpainit ng kumpetisyon nila ni Rochelle Pangilinan ang pagtanggap niya ng title role.

"Nag-aalala nga siya sa akin dahil sabi niya habang mine-makeup-an ako, dapat nakatapat ako sa aircon para hindi ako masyadong pawisan. Full support siya sa ginagawa ko at saka kasali din naman siya dito sa Daisy Siete," sabi ni Jopay.

Paliwanag naman ng SexBomb manager na si Joy Cancio, busy raw si Rochelle ngayon sa pagpu-promote ng kanyang solo album kaya hindi raw totoong may kumpetisyon sila ni Jopay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN