Gretchen Barretto warns of possible Herbert Bautista, Jinggoy Estrada hand in Kris Aquino-Nicko Falcis court battle

IMAGE Noel Orsal / Instagram / Facebook

Gretchen Barretto drags in celebrity-politicians Herbert Bautista and Jinggoy Estrada in Kris Aquino-Nicko Falcis court battle.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Diretsahang binanggit ni Gretchen Barretto ang pangalan ng celebrity-politicians na sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Senate re-electionist Jinggoy Estrada, na maaari umanong makaimpluwensiya sa court battle ni Kris Aquino laban sa dating business associate nitong si Nicko Falcis.

Ito ay matapos ibasura ng Taguig Prosecutor's Office ang qualified-theft complaint ni Kris laban kay Nicko, ngunit nagmungkahi naman itong sampahan ni Kris si Nicko ng kasong estafa at credit-card fraud.

Ipinagbunyi ng kampo ni Kris ang rekomendasyong ito.

Bahagi ng statement ni Kris mula sa Divina Law, ang law firm na humahawak sa kaso ng web star laban kay Nicko:

"The Taguig-OCP found the statements of Ms. Kris Aquino as credible and the evidence she adduced as sufficient to establish a prima facie case that Nicko Falcis misappropriated and converted the corporate credit card entrusted to him for his own personal expenses.

"The truth has finally come out and we are hopeful that all the other cases filed against Nicko Falcis will reach the courts and he will be held accountable for his crimes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FALCIS CAMP CRIES "BIAS"

Kinontra ng kampo ni Nicko ang rekomendasyon ng Taguig Prosecutor's Office, at sinabing may “BIAS” ang korte.

Kalakip sa statement na ipinadala ng kampo ni Nicko sa PEP, at nailathala rin sa Instagram, ay ang mensahe diumano ni Kris kay Nicko na malakas siya sa Taguig, Quezon City, at San Juan—tatlo sa pitong lungsod na pinagsampahan ni Kris ng reklamo.

Bahagi ng pahayag ni Nicko: “But their finding of probable cause for estafa and violation of R.A. 8484 smacks not just of gross ignorance of the law but of the manifest BIAS and grave abuse of discretion of the prosecutors.

“I am reminded of what Kris Aquino has told me during the course of our professional relationship and during the height of her publicity stunts accusing me of qualified theft – ‘Nicko, malakas ako sa Taguig, San Juan, at Quezon City.’"

GRETCHEN DRAGS IN HERBERT BAUTISTA, JINGGOY ESTRADA

Sa isang Instagram post ni Nicko na naglabas ng iba pang pagbabanta sa kanya ni Kris Aquino, nagkomento si Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Gretchen at Kris ay may malalim at matagal nang hindi pagkakaunawaan.

Ani Gretchen, “If she wins in Quezon city, you know ITS HERBERT BAUTISTA MOVING”

Ang tinutukoy ni Gretchen ay ang hindi lingid sa kaalaman ng publiko na romantic relationship noon nina Kris at Mayor Herbert.

Komento pa ni Gretchen, “If she wins in SAN JUAN YOU WILL KNOW ITS JINGGOY BECAUSE KRIS OFFERED TO CAMPAIGN FPR THE DAUGHTER JANELLA”

Ang anak ni Jinggoy na si Janella Estrada ay ang incumbent vice mayor ng San Juan, at kumakandidato bilang mayor ng nasabing lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy namang nakisimpatiya si Gretchen kay Nicko: “God be with you & your family [emojis] let us continue to trust in God [emoji]"

Nauna nang idinawit ni Gretchen ang businesswoman-philanthropist na si Alice Eduardo sa “issue” niya laban kay Kris.

Nananatili namang tikom ang bibig ni Kris sa mga patutsada ni Gretchen.

Hinahayaan ni Kris na mga abugado niya ang sumagot kay Gretchen, na partner ng pinsan ni Kris na si Tonyboy Cojuangco.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.

READ: Who is Alice Eduardo?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close