Angelica Panganiban recounts funny moments with Chokoleit

IMAGE Noel Orsal / ASAP Natin 'To

Kapamilya actress Angelica Panganiban recounts funny experience with Chokoleit in a trip to Italy. “Kasi pinagkamalan siyang… as in akala talaga siguro beggar siya dun."


“Wala ka nang mapi-playtime,” may panghihinayang na sambit ni Angelica Panganiban, 32, hinggil sa pagpanaw ng kaibigang si Chokoleit, 48.

Pumanaw si Chokoleit, o Jonathan Aguilar Garcia sa totoong buhay, noong March 9, Sabado.

Heart attack at pulmonary edema ang itinuturong sanhi ng pagkamatay ng kilalang komedyante.

“Mahirap. Siyempre, malungkot. Mami-miss… mami-miss nating lahat,” sabi ni Angelica tungkol sa pagpanaw ng kaibigan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Angelica sa finale presscon ng kanyang Kapamilya daytime teleserye na Playhouse.

Ginanap ang presscon nitong March 12, Martes.

THE HOTEL INCIDENT

Hindi maiwasang matawa ni Angelica nang ibahagi ang ilan sa nakakatawang alaala niya tungkol sa kaibigan.

“Kasi lagi nun gustong magpa-picture sa ‘kin, 'tapos umaayaw lang ako.

“Umaayaw ako. Sabihin ko talaga, ‘Ang baho mo. Naligo ka ba today?’ mga ganun.

“Sabi niya, ‘Grabe ka, naligo na ‘ko!’ Sabi ko, ‘Sa lagay na ‘yan?’ Mga ganun.”

Pero ang pinakanakakatawang karanasan daw nila ni Chokoleit ay ang insidente sa Italy nang magkasama sila sa hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw siyang papasukin sa hotel namin, my God!” natatawang sabi ng aktres.

“Kasi pinagkamalan siyang… as in akala talaga siguro beggar siya dun. Oo!

“'Tapos sabi niya, ‘Angge!’ 'Tapos tawang-tawa ako.

"Ayaw ko siyang papasukin. Nagpapanggap akong hindi ko siya kilala. Mga ganun.

“Siyempre yun ang mga mami-miss mo sa kanya. Wala ka nang mapi-playtime,” pagtatapos ni Angelica.


Stories We Are Tracking

Comedian Chokoleit dies at 48
Comedian Chokoleit dies at 48
Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death
Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death
Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close