Vice Ganda monitors the last moments of Chokoleit in Abra

IMAGE Allan Sancon / Instagram


Kahit nasa Maynila, updated si Vice Ganda sa mga kaganapan noong gabing bawian ng buhay ang malapit niyang kaibigang si Chokoleit.

Alam ni Vice nang tumuntong sa stage si Abra para mag-perform sa Abrenian Kayawan Festival sa Abra, hanggang sa isinugod ito sa ospital dahil hirap sa paghinga, hanggang sa tuluyan nang bawian nang buhay ang kapwa komedyante.

Pumanaw si Chokoleit noong Sabado ng gabi, Marso 9.

Ayon sa Kapamilya TV host-comedian, kausap niya ang ilang kasama ni Chokoleit noong gabing iyon kaya alam niya ang mga nangyayari.

Lahad ni Vice, "Tulala, kasi bago pa siya dalhin sa ospital, tinawagan na ako ng mga kaibigan namin na kasama niya sa Abra.

“Natataranta sila kasi hindi makahinga.

“Sabi ko, ‘Tanong ninyo kung ano ang nararamdaman. ‘Parang hinihika yata.’

“Sabi ko, ‘Bakit di ninyo dalhin sa ospital? Dalhin ninyo na at balikan niyo ako.’

“Maya-maya, tinanong ko, ‘Ano na nangyayari?’ Hinihintay na lang daw yung ambulansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, tawagan na lang ako kung ano ang mangyayari.

"Relax lang naman ako, akala ko isa lang sa mga ano, kasi lagi namang sumisikip ang dibdib niya.

“‘Tapos nung pangatlong tawag nung kaibigan namin, humahagulgol na.

“Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya wala na daw si Chokoleit.

“‘Tapos ang tagal kong nagpoproseso, nakaupo lang ako, umiinom ako ng tubig bago ko sila natawagan, kasi ayokong ako yung tumawag.

“Parang deadma lang ako, ‘tapos walang tumatawag sa akin, feeling ko hindi pa nila alam.”

Patuloy ng It’s Showtime host, “Hawak ko ang telepono ko, hindi ko alam kung sino ang una kong tatawagan.

“Una kong tinawagan si K [Brosas], e, wala siyang kasama, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay K.

“Nasa Timog siya, mag-isa lang kumakain sa Kebab. ‘Ano ba sasabihin mo?’

“Nung brineak down ko sa kanya yung news, ayun, nag-breakdown na si bakla.

“’Tapos si Pokwang, si Pooh, natawagan na pala ni Angelica.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Pokwang, Pooh, at Angelica Panganiban ay magkakasama sa ABS-CBN gag show na Banana Sundae.

Nakapanayam ng PEP.ph at Cinema News si Vice sa unang gabi ng burol ni Chokoleit, noong Lunes, March 11, sa isang punerarya sa Antipolo.

THE LAST VIDEO

Sinubukan daw ni Vice na panoorin ang video ng huling performance ni Chokoleit sa Kawayan Festival sa Bangued, Abra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi niya nakayang tapusin ito.

"I tried to watch kasi online maya-maya lumalabas.

“I tried to watch, pero I did not finish it.

“Bago pa yun, isang kasama niya sa Abra, si Woody saka si Glorious, kasi yun ang mga kasama ko sa bahay kaya nag-a-update sa akin.

“Niloloko pa nila, ‘Naku, si bakla di kumakain,’ ‘tapos masama daw ang pakiramdam.

“Sabi ko, ‘Anuhin niyo nga, mamaya nagda-drugs ‘yan. Bakit di kumakain?’

“Ang sabi, ‘Hindi, kumain na ako kanina, magpapahinga lang ako.’

“Alam ko yung ganap, pini-feed na sa akin.

“Masama daw ang pakiramdam, bago pa siya sumalang, nahihirapan na raw siyang huminga.

“Kaya sabi ko, ‘I-cut short na lang yung performance.’

“Kaya nung tumawag sa akin, nahihirapan daw talagang huminga.

"Sabi ko, ‘E, bakit di niyo dalhin sa ospital kung nahihirapang huminga?’

“Akala ko naman masama lang talaga ang pakiramdam."


Stories We Are Tracking

Chokoleit, halatang nahihirapan na sa huling performance niya
Chokoleit, halatang nahihirapan na sa huling performance niya
Chokoleit's last words a premonition
Chokoleit's last words a premonition
Chokoleit, inatake sa puso habang nasa stage -- heart doctor
Chokoleit, inatake sa puso habang nasa stage -- heart doctor
Ryza Cenon recalls first and last meeting with Chokoleit in Abra
Ryza Cenon recalls first and last meeting with Chokoleit in Abra

REMEMBERING CHOKOLEIT

Ano ang masasayang alaala niya kasama ang namayapang kaibigan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Vice, "Madami… wala naman kaming araw na magkasama na hindi masaya, e.

“Lahat kami, tuwing magkakasama kami, masaya… kahit ngayon nga lang.

“Parang hindi nagiging malungkot ang kahit ano pa man.

“Bago ako pumunta ng Japan nung nakaraang araw, pinuntahan ko siya sa Laffline.

“Nag-pitching ako sa Star Cinema ng bagong pelikula.

"E, mayroon kasi akong pangako diyan. Sabi ko, ‘Yung mga sunud-sunod kong pelikula, isasama kita.’

“Katulad nung nakaraan, kasama ko siya, ‘tapos sinabi ko sa kanya…”

Ibinahagi ni Vice ang isa sa mga huling pag-uusap nila ni Chokoleit.

“Kasi binu-boost ko nga yung morale niya, di ba, kasi minsan nalulungkot, parang wala siyang ganap, sabi ko, ‘Ako bahala.’

“After ko mag-pitching, pumunta ako sa Laffline, sabi ko sa kanya, ‘O, nag-pitching kami, join ka naman sa movie.’

“Inaaway niya ako, ‘Pelikula, pelikula, nasaan yung mga bago kong damit? Kailangan ko nga bagong damit.’

“Sabi niya, ‘Pupunta ako sa bahay mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Wala ako, pupunta ako sa Japan bukas.’

“Sabi niya, ‘Kailangan ko ng bagong damit at sapatos.’

“Sabi ko, ‘Para saan?’

“Sabi niya, ‘E, ikaw, para saan ba ang mga damit mo? Wala namang gumagamit, ako ang gagamit.’

“Sabi ko, aalis ako.

"Sabi niya, ‘Bahala ka, basta pagdating mo, hindi na kita tatawagan, pupuntahan kita sa bahay.’”

Biro pa ni Vice, “Kaya natatakot ako ngayon, baka bigla niya akong puntahan! ‘O, nasa’n na mga damit ko?’

“Kahapon, naghahanap ako ng isusuot kong damit, namimili ako ng sapatos ko.

“Feeling ko, pagtalikod ko, ‘O, gusto ko ‘yang sapatos na ‘yan.’

“Madalas kasi ‘yang pumunta sa bahay ko, kakalkalin niya ang mga gamit ko.

“Pupunta siya sa kuwarto ko, bitbit na niya ang mga gusto niya, ‘O, uwi ko na ang mga ito, ha.’

“Sasabihin ko, ‘Di puwede, bago ‘yan.’

“Sasabihin niya, ‘Iuuwi ko na.’

“Wala na akong magagawa, bitbit na niya ang gamit ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Dyusko, baka nandito si Chokoleit. Huwag ka nang magpakita! Kung may gusto ka, kunin mo na lang. Basta pag nawala, alam ko na nasa iyo.”

CHOKOLEIT AS A FRIEND

Ibinahagi rin ni Vice kung ano ang madalas nilang pinagtatampuhan at kung paano sila nagkakabato ni Chokoleit.

"Malambing kasi ‘yan, maraming beses kaming nagkakatampuhan kasi matigas ang ulo niyan, e.

“May ganun naman, e, may kaibigan kang malambot, may matigas ang ulo. E, matigas ang ulo niyan.

“Sa amin, ako ang pinakaistrikto, so alam niya pag nagagalit ako.

“Pag nagagalit ako sa kanya, hindi ko siya kikibuin, alam na niya yun.

“Pag nagagalit ako sa kanya, hindi ‘yan susuko hangga't di ko siya binabati.

“Kahit anong deadma ang gawin ko sa kanya, hindi siya napapagod, tatabi at tatabi, yayakap at yayakap.

“Kahit di ko siya pinapansin, hahalik ‘yan at hahalik.

“‘Meme, Meme, patawarin mo na ako,’ hindi ‘yan sumusuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pag nagkabati naman kami, ini-spoil ko siya. ‘Ano kailangan mo? Ano gusto mo? ganito, ganyan.’

“Malambing si bakla.”

MESSAGE FOR CHOKOLEIT

Sa huling bahagi ng panayam namin kay Vice, hiningan namin siya ng mensahe para sa namayapang kaibigan.

"Actually, alam niya lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

“Lahat ng pagkakataon na nag-usap kami, hindi ako nagkulang kay Chokoleit.

“Lahat ng pangaral, away… inaway ko ‘yan kapag di ko gusto ang mga ganap niya.

“Marami siyang desisyon sa buhay na di ko pinaboran, alam niya yun.

“Kaya may mga pagkakataon na nawawala ako sa kanya kasi alam niyang di ko gusto ang mga ginagawa niya.

“Pero he was able to change himself for the better, I'm just so proud of him.

“Nakita ko kung paano niya inayos ang sarii niya, kung paano niya pinabuti unti-unti.

“Actually, tuwang-tuwa ako sa kanya kaya bitbit ko siya lagi, e, siya yung priority ko lately.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag may pelikula, pag may baklaan sa mga shows, Chokoleit agad. Pag GGV, siya ang bida.

“Kakausapin ko ang staff, alam nila yun, kahit yung mga bakla, sasabihin ko, ‘Si Chokoleit ang bida.’

“Ini-spoil ko siya kasi gusto ko na maramdaman niya na kaya pa, aayusin natin ‘yan, gagawan kita ng ganap—Showtime, 'Ms. Q and A'… kinakausap ko ang mga bakla."


Stories We Are Tracking

Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death
Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death
Claudine Barretto, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, other celebs grieve over Chokoleit's death
Claudine Barretto, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, other celebs grieve over Chokoleit's death
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death
Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close