PBB 2 ex-housemate Kian Kazemi promotes healthy lifestyle


"It's one way of promoting good health, di ba? To show how healthy your body is. Don't get me wrong, I'm not an exhibitionist. It's just nice to share a healthy lifestyle," says Kian Kazemi.



Hindi naman itinanggi ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 housemate na si Kian Kazemi na minsan ay naging talent din siya ng GMA Artist Center. In fact, kasama ang picture niya with the other Artist Center talents sa special calendar diary nila na ipinamigay sa press noong December 2006. Pero that was before he auditioned for PBB.



Sinabi ng 21-year-old half-Persian and half-Filipino na ang nagawa lang niyang project sa GMA-7 ay isang music video with Yasmien Kurdi. Hindi raw siya mabigyan ng maraming projects dahil kasalukuyan siyang nag-aaral noon sa College of Saint Benilde (CSB).



"It was my fault also because I told them na huwag muna nila akong bigyan ng maraming projects because I was so busy with school," sabi ni Kian sa panayam ng PEP (Philippien Entertainment Portal). "By the time na natapos na ako with my course in CSB, doon dumating ang chance na makapag-audition ako for PBB. Sinuwerte naman akong makapasok and now, I'm with ABS-CBN. Bago ako pumasok sa PBB, nabigyan na ako ng release papers ng Artist Center."

Magaling na chef si Kian. Nahiligan niyang magluto dahil na rin sa Persian restaurant na pag-aari ng kanyang pamilya sa Makati City.



"Anything Persian I can cook," pagmamalaki ni Kian. "The spicier, the better. But I needed to take a break from being the chef when I entered PBB. Now, the rest of my family handles the restaurant kasi magiging busy ako with my new career sa ABS-CBN. Hopefully, I can do a lot because I'm willing to learn how to sing, dance, and act."



Nakalabas na si Kian kasama ang ilang PBB 2 housemates sa mga shows na ASAP, Your Song, at ngayon ay magsisimula siyang mag-taping for Love Spell. So far ay nag-e-enjoy si Kian, lalo na sa attention na nakukuha niya from the third sex. Marami kasing mga bading ang naseseksihan sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I appreciate their comments on me physically," ngiti ni Kian. "If they find me sexy, then thank you. I really take care of my body. I hit the gym five times a week and I watch what I eat. I used to do wrestling, track and field, and football. I'm a very athletic person kaya siguro I have muscles in the right places. And I don't take or use steroids. All natural ang mga muscles ko sa katawan."



Okay lang daw kay Kian ang mag-pose sa isang sexy magazine. Mas okay daw kung malalagay siya sa cover ng Men's Health magazine or magkaroon siya ng malaking billboard or print ad for Bench.



"It's one way of promoting good health, di ba? To show how healthy your body is," diin ni Kian. "Don't get me wrong, I'm not an exhibitionist. It's just nice to share a healthy lifestyle. Hindi ba maganda ‘yung lahat tayo malulusog ang pangangatawan?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN