Falcis brothers claim Kris Aquino out to snuff their lives

IMAGE Instagram

Nicko Falcis (left) and younger brother Atty. Jess (center) allege that there are leaked reports showing Kris Aquino (right) is out to harm the Falcis family. "This is how vile and manipulative Kris Aquino is. She thinks everybody can be paid and hired and treat all people as pawns just for her to get her evil deeds done," says Nicko in an Instagram post dated March 12, 2019.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Kinondena ng magkapatid na Nicko Falcis at Atty. Jesus "Jess" Falcis ang diumano'y patuloy na pagbabanta ni Kris Aquino sa kanilang pamilya. 

Base ito sa Instagram post ni Nicko at sa hiwalay na pahayag ni Atty. Jess sa reply-affidavit na ipinasa nito sa Quezon City Prosecutor's Office. 

Martes ng gabi, March 12, 2019, ibinunyag ni Nicko na napag-alaman niyang nagpapahanap diumano si Kris ng "hired killers" mula sa "powerful friends" ng TV host/actress/web star.

Liban pa ito sa reklamong two counts of grave threats na isinampa nina Nicko at Atty. Jess laban kay Kris, sanhi ng binitawang mga salita ng aktres noong kausap nito si Nicko sa telepono, noong September 27, 2018.

Sabi sa buong caption ng latest Instagram post ni Nicko:

"This is how vile and manipulative Kris Aquino is. She thinks everybody can be paid and hired and treat all people as pawns just for her to get her evil deeds done.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you Lord for sending me angels: brave souls who told me someone was asking last December, 2018: ‘Cuz, do you know hired killers from Tarlac?’

"And in March, 2019, someone asking her powerful friends or Congressmen if: "Do you know goons for hire?’

"It’s like I’m in the movie Gone Girl. I do not take these incidents lightly.”

NICKO SHOWS DATES OF KRIS'S ALLEGED THREATS

Kalakip ng Instagram post ni Nicko Falcis ay isang timeline na isa-isang nagtala ng sinasabi nitong pananakot ni Kris Aquino sa kanya.

Ito rin ang timeline na isinumite ni Atty. Jess sa Quezon City Prosecutor's Office. 

May mga petsa itong September 22 at September 27, 2018; December 2018; January at February 2019.

September 22, 2018—Nakatala ang isang quote na binitiwan ni Kris kay Nicko noong nagsisimula pa lang ang kanilang alitan. 

Sabi rito: “GINAWA MO ‘TO SA AKIN… lawyer to lawyer na tayo. Do not mess with me further… blood tests were done not only for health assessment but because i am smart enough to know you might try to accuse me of drug abuse- so that was also part of the documented blood tests done yesterday…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“nakalimutan mo- i went through such a messy annulment where james had tried to accuse me of sleeping pill abuse- so sanay na ako sa requirements when anybody goes to into litigation that can be messy.”

Ang tinutukoy ni Kris na James ay ang ex-husband niyang si James Yap, na hiniwalayan ng aktres noong 2010. Naging kontrobersiyal ang annulment case ng dalawa na nagtapos noong February 2012. 

September 27, 2018—Nakatala ang dati nang naiulat na pagbabanta ni Kris kay Nicko na maririnig sa viral audio ng kanilang phone conversation.

Sabi rito: “You fucking asshole Nicko! Xxx Huwag ka ng bumalik sa Pilipinas! Xxx Ipapapatay ka ng pamilya ko! Dare to step in this country and you will be dead! Xxx”

December 2018—Nakatala ang diumano’y impormasyong nakalap ni Nicko na nagtatanong si Kris sa pinsan nito kung may kilala itong "hired killers from Tarlac."

January 2019—Nakatala ang cryptic Instagram post ni Kris kung saan nakasaad: "Do not draw your sword to kill a fly."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

February 2019—Nakatala ang isa pang impormasyong nakarating kay Nicko na nagmensahe si Kris sa isang "powerful political friend" upang tanungin kung may kilala itong "hired goons."

Lubhang ikinatakot daw ito ni Nicko.

Lalo pa't lumalabas na hindi lang silang magkapatid ang nakakaalam ng impormasyong iyon.

Isang blind item ang lumabas independently sa "Sino" segment ng DZBB program, ang Dobol A Sa Dobol B, noong March 5, 2019.

Tungkol ito sa isang "celebrity" na tumawag umano sa isang "congressman" at inaalam kung may kilala itong "goons."

Base ito sa ni-repost ni Nicko na Instagram Story ng kanyang kapatid na si Atty. Jesus "Jess" Falcis noong March 12, 2019.

Nakasaad sa Instagram Story ni Atty. Falcis na "Kris Aquino" ang karamihan sa sagot ng netizens sa blind item ng DZBB. 

May inilagay ring written text si Atty. Jess na "Utak killer #GONEGIRLCRAZYRICHASIAN" sa parehong post. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Nicko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang mga isiniwalat niyang impormasyon tungkol sa pagpapahanap ni Kris ng "hired killers" ay una nang ipinagbigay-alam ni Atty. Jess sa Office of the Prosecutor ng Quezon City.

Kaugnay ito ng ongoing preliminary investigation sa two counts of grave threat na isinampa ng magkapatid na Falcis laban kay Kris, noong January 18, 2019.

JESS FALCIS ON ALLEGED ATTEMPT OF KRIS AQUINO TO TAP "HIRED KILLERS FROM TARLAC"

Noong Biyernes, March 8, 2019, isinumite ni Atty. Jess Falcis ang isang sworn reply-affidavit, kung saan ibinunyag nito ang diumano’y pagkilos ni Kris upang patuloy na takutin at gipitin si Nicko at ang kanilang pamilya.

Sabi sa isang bahagi nito: "Furthermore, very recently, that is, on 05 March 2019, in a radio blind item program hosted by Arnold Clavio of DZBB, information was also released about a famous personality asking for goons from a government official. The said blind item clearly referred to Respondent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinumite rin ni Atty. Jess ang isang screenshot ng tweet mula sa official Twitter account ng DZBB Super Radyo, na may link ng audio stream ng nabanggit na radio segment.

Makikita sa screenshot ang balitaktakan ng radio hosts na sina Arnold Clavio, Ali Sotto, at Joel Zobel, habang naka-flash ang chargen na nagsasabing: "SINO?: KILALANG PERSONALIDAD. TUMAWAG SA ISANG GOV’T OFFICIAL PARA HUMINGI NG GOONS."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isiniwalat din ni Atty. Jess sa kanyang reply-affidavit na may naglabasang "leaked reports" tungkol sa diumano’y paghahanap ni Kris ng "hired killers." 

"Aside from the foregoing, as early as December 2018, reports were leaked to the effect that Respondent called her cousin, Rina Teopaco, and said: 'Cuz, do you know hired killers in Tarlac?'

"Similarly, in January 2019, reports were leaked that Respondent asked Caloocan City Representative Edgar R. Erice if he knows any goons she can use.

"The continuous and systematic nature of the Grave Threats clearly indicates that the real intention of Respondent is indeed to threaten private complainant Nicko Falcis and our family," saad pa ng sworn reply-affidavit ni Atty. Jess (published as is).  

JESS FALCIS ON KRIS AQUINO: "BLATANT LIES, INCONSISTENT STATEMENTS"

Hindi rin pinalampas ni Atty. Jess ang pagdi-deny ni Kris sa ginawa nitong pagbabanta sa buhay ni Nicko sa September 27, 2018 phone call sa pagitan ng dating magkatrabaho at magkasosyo sa business. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Atty. Jess, puno ng "blatant lies" at "inconsistent statements" ang bersiyon ni Kris sa insidenteng iyon.

Napakasinungaling daw ni Kris dahil pinalabas nitong hindi totoong pinagbantaan niya si Nicko, ngunit inamin nito kalaunan sa social media na sinabihan niya si Nicko ng: "Ipapapatay ka ng pamilya ko!" 

"Respondent's Counter Affidavit is also replete with BLATANT LIES and/or statements which are inconsistent with one another or her other statements on social media and mainstream media.

"First, at page 6 of her Respondent's Counter-Affidavit, Respondent claims that '[she] did not threaten Nicko or Atty. Falcis'.

"This is inconsistent with her statements on social media on 15 January 2019 wherein Respondent brazenly admits making the Grave Threats against private complainant Nicko Falcis."

Base pa rin sa reply-affidavit ni Atty. Jess, tahasang inamin ni Kris ang nagawa nitong pagbabanta sa palitan ng mensahe ng aktres at ng ilang netizens sa Instagram wall ni Kris.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang netizen ang nagsabing "40 million Pero yung case that you file just 1.2M? Why not file a case for that!" 

Sagot naman ni Kris sa netizen: "I didn't lie. Never denied. And di sila magaling mag edit eh- last line was YOU WILL BE JAILED. So I started emotionally angry (rightly so because I just received an awful medical diagnosis) but ending still believing that justice will prevail. 

"Also sorry illegal recoding inadmissible in court. Kung in any portion nasabi lang- i'm recording this- and that was clearly heard lusot na sana." 

(Note: Ang paggamit ng bold letters at underscoring ng mga salitang "never denied" at ilan pang kasabay nitong mga salita ay bahagi ng reply-affidavit ni Atty. Jess.) 

Aniya, hindi kasama ang naturang audio ng phone call sa isinumiteng ebidensiya ng kampo nina Nicko at Atty. Jess laban kay Kris. 

Ang isa pang patunay ni Atty. Jess ay ang YouTube video ng live streaming ni Kris noong March 8, 2019. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood doon ang pag-amin ni Kris na galit siya nang pagbantaan niya ang buhay ni Nicko sa kanilang phone call.

Bahagi ng pahayag ni Kris sa YouTube video nito:

"Nagkamali ako sa simula at inaamin ko 'yon and I apologize. Nagkamali ako dahil sa tindi ng galit ko noong panahon na iyon, I'll put everything into context. My son was breaking down because he knew, dahil kay Selena Gomez, kung gaano ka-serious ang auto-immune disease." 

Ani Atty. Jess, lumabas ito sa #ChikaMinute news report ng GMA News, na may titulong "Kris Aquino admits she threatened Nicko Falcis in audio clip." 

Isinama ni Atty. Jess ang screenshot ng news report sa annex ng kanyang reply-affidavit. 

KRIS TELLS NICKO'S SISTER THERE IS "BENEFIT TO GETTING THE COUNTRY'S BEST CRIMINAL DEFENSE ATTORNEY"

Bukod sa mga pag-amin ni Kris sa social media, isinumite rin ni Atty. Jess bilang ebidensiya ang ipinadalang mensahe ni Kris kay Charlene Falcis. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Charlene ang middle child sa tatlong magkakapatid na Falcis. Panganay si Nicko at bunso naman si Atty. Jess.  

Patuloy na lahad ni Atty. Jess:

"Additionally, in a Facebook message to our sister, Charlene Therese M. Falcis, Respondent also admitted making the two (2) counts of Grave Threats: 

"'Charlene: Your mom is a doctor... if she read my full medical records she'd know I'm likely to die even earlier than her. 

"FYI: don't try to blackmail me w/ what was said to Nicko right after my 1st medical diagnosis. i have witnesses as to my emotional fragility at that precise moment... And most importantly he's still alive. You see that's the benefit of getting the country's best criminal defense attorney. I was given Article 282 of the RPC to read & some case studies.

"to quote: But if the threat was made in the heat of anger and the accused did not persist, it is Light Threats." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Atty. Jess, pilit na idinadahilan ni Kris na "bluff" lamang ang pagbabanta nito sa buhay ni Nicko. 

Pero bahagi lang daw ito ng "blatant lies" at "inconsistent statements" ng aktres upang lusutan ang reklamong two counts of grave threats na kinahaharap nito. 

Inaasahang sasagot si Kris sa kanyang rejoinder affidavit na isusumite sa Office of The Prosecutor ng Quezon City, sa susunod na hearing sa preliminary investigation, sa March 22. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN