Rochelle Pangilinan has new leading man and director in "Daisy Siete"


"Nakakailang eksena pa lang kami. Pero nababaitan ako sa kanya at magalang siya. Hindi ako sanay! At guwapo siya, in fairness!" exclaims Rochelle Pangilinan about her leading man JC Cuadrado.



Hindi pa rin kayang iwanan ni Rochelle Pangilinan ang SexBomb kaya naman sa 16th season ng Daisy Siete na "Tabachingching" ay kasama pa rin siya sa cast.



Pero ang bida rito sa bagong season ay hindi siya kundi si Jopay Paguia na. Natutuwa si Rochelle sa pagbibidang muli ni Jopay. Kung matatandaan ay si Jopay din ang bida sa Season 14 na "Siete-Siete, Mano-Mano" at maganda ang naging performance nito.



"Malaki na ang tiwala namin kay Jopay na kaya na niya," nakangiting sabi ni Rochelle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Bilang nakakatanda sa kanilang lahat, masaya ako kasi nabibigyan na sila ng chance na maging bida. Sinabi ko nga noon na hindi naman parati ako na lang ang bida. May time na kailangang mabigyan ng chance ang iba.



"So far, walang problema sa ratings ang Daisy Siete. Okay pa rin kami at top-rating pa rin kami sa oras namin. Kaya nga umabot kami ng Season 16 kasi hindi nawawala ang support ng marami sa aming grupo."



NEW LEADING MAN. Dito sa "Tabachingching" ay ka-partner ni Rochelle ang dating ABS-CBN talent na si JC Cuadrado. Tinutukso-tukso na nga si Rochelle sa bagong leading man niya dahil madalas raw kasing nali-link ito sa kung sino ang ka-partner niya sa Daisy Siete, katulad nina Alfred Vargas at Kier Legaspi.



"Uy, hindi naman!" tawa niya. "Nagkakataon lang na nagiging close ako sa mga partners ko. Ngayon kasi with JC, nakakailang eksena pa lang kami. Pero nababaitan ako sa kanya at magalang siya. Hindi ako sanay! At guwapo siya, in fairness!



"Nakakatuwa naman si JC kasi first show niya ito sa GMA-7 kasi nga galing siya sa kabilang TV station. Nakikita namin na serious siya masyado. Kaya gusto namin na ma-relax siya sa mga eksena namin at ma-feel niya na Kapuso na siya ng Daisy Siete."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW DIRECTOR. Sa pagkawala ng direktor nila sa Daisy Siete na si Pat Perez, sinabi ni Rochelle na nami-miss nila ito dahil sa apat na taon ng kanilang drama series ay ito ang naging direktor nila. Pero dahil sa alitang nangyari sa pagitan ni Direk Pat at ng producer ng Daisy Siete at manager ng SexBomb na si Joy Cancio, nag-resign ang direktor at pinalitan siya ni Ruel Icamen.



"Marami naman kaming natutunan kay Direk Pat. Ilang taon din kaming nagkasama sa show at malaki ang naging kontribusyon niya talaga sa grupo. 'Yun nga lang, hindi naman maiwasan ang ilang pangyayari, lalo na kung may kinalaman na sa management.



"Mami-miss namin si Direk Pat at sana nga ay maging maayos na ang lahat between her and Ate Joy. Kung di man siya makabalik sa Daisy Siete, at least, maging maayos na ang pagkakaibigan nila," asam ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN