Karla Estrada expresses support for Kathryn Bernardo-Alden Richards movie

IMAGE @karlaestrada1121 and @simplyalden on Instagram

Karla Estrada (far left) mom of Daniel Padilla (third from left), takes to Instagram to express support to Kathryn Bernardo (third from right) and Alden Richards, who will collaborate in a movie project.


Nagpahayag ng suporta ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikula.

Si Daniel ang reel at real-life loveteam partner ni Kathryn.

Sabi ni Karla sa kanyang Instagram post noong March 12, kung saan kapwa naka-tag sina Kathryn at Alden: 

“All out support for @bernardokath and @aldenrichards02 movie this year!!! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!isa na namang Obra Ito.”

Kalakip pa ng caption ni Karla ay ang mga makahulugang hashtags na #exciting #gratefulheart #wesupport #buhayArtista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATHRYN AND DANIEL’S MUTUAL DECISION

Malaking balita ngayon sa showbiz ang pagtatambal sa pelikula ng Kapamilya actress na si Kathryn at ng Kapuso actor na si Alden.

Isa rin itong big move para sa tambalan nina Kathryn at Daniel, ang KathNiel, lalo pa’t sila ang isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na love team sa bansa.

Sa katunayan, ang kanilang huling pinagsamahang pelikula, The Hows of Us (2018), ang kasalukuyang may hawak ng record ng highest-grossing Filipino movie of all time.

Ngunit ayon kay Kathryn, napagdesisyunan nila ni Daniel na huwag munang magsama sa anumang proyekto ngayong 2019. 

Ito ay base sa March 2019 cover story ng www.preview.ph at isinulat ni Marj Ramos.

Sabi ng aktres, natutunan niya sa showbiz ang kahalagahan ng “constant need to evolve.”

Dagdag niya, “I felt it was about time to finally break out of that shell.”

Binanggit ni Kathryn na ang malaking bahagi ng growth niya sa showbiz ay sa tulong ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[B]ecause he’s a big part of what makes me who I am today,” aniya.

Ayon pa kay Kathryn, 2018 pa nang napagdesisyunan nila ni Daniel na magpokus sa kani-kanilng career.

“Some of you might already be aware of this, but late last year, we made a mutual decision to not accept projects together this 2019.”

Dugtong ni Kath, matagal nilang pinag-isipan ang desisyong ito.

“We both know it’s going to be tough for both of us and maybe even tougher for our fans, but we really gave it some thought, and while there’s nothing we want more than to make you happy, we’d appreciate if you can give us this year to pursue our individual growth this time around.

“It’s a risk, and I’d be lying if I told you that the idea doesn’t scare me, but at the same time, I’m excited to discover what kind of opportunities await us both in this journey.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kathryn Bernardo and Alden Richards to top-bill Star Cinema movie
Kathryn Bernardo and Alden Richards to top-bill Star Cinema movie
Alden Richards, love daw ng Mommy Min ni Kathryn Bernardo
Alden Richards, love daw ng Mommy Min ni Kathryn Bernardo
Rumored movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa Hong Kong kukunan?
Rumored movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa Hong Kong kukunan?
Kathryn Bernardo at Alden Richards, magtatambal sa pelikula?
Kathryn Bernardo at Alden Richards, magtatambal sa pelikula?


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close