K Brosas says Chokoleit ignored his health issues

IMAGE @kbrosas on Instagram

Singer-comedienne K Brosas says they were together on a plane when Chokoleit had his first health episode. She recounts, "Diniretso ‘yan sa ospital. Sabi ko, ‘Bakla ka, huwag kang mamamatay sa eroplano, hindi nakakaartista.'"


Sa gitna ng kalungkutan ni K Brosas, naikuwento niyang may health issue talaga ang pumanaw na kaibigang si Chokoleit dahil minsan na itong naospital.

“Lahat kami meron [ideya] kasi naospital na ‘yan before, di ba?

“After nung shows namin, diniretso ‘yan sa ospital.

"Sabi ko, ‘Bakla ka, huwag kang mamamatay sa eroplano, hindi nakakaartista.’

“Kasi yung napapanood niyo, ganun na ganun siya sa eroplano, dalawang tangke ng oxygen," pagtukoy ni K sa video ng huling performance ni Chokoleit, kung saan hirap na ito sa paghinga.

Patuloy niya, “'Tapos yun, after nun, in fairness nung sa ospital, pneumonia na pala yun.

“Correct me if I’m wrong: kapag [may] tama ka na sa bagang ganun, magpapa-regular check-up ka na.”

Yun daw ang tila hindi nabigyan ng pansin ni Chokoleit—ang pagpapa-check-up.

“E, nagdyi-gym pa si Bakla.”  

Ikinakatuwiran nga raw ni Chokoleit na nakakapag-gym pa siya.

“Pero hindi pala ganun yun, kailangan pala pa-check ka muna sa doktor mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I think… I’m not sure, ha," pakli ni K.  

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si K sa unang gabi ng burol ni Chokoleit sa isang punerarya sa Antipolo City noong Linggo, March 10.

FRIENDS IN MOURNING

Pumanaw si Chokoleit noong March 9, Sabado, dahil sa heart attack at pulmonary edema.

Kuwento ni K, si Vice ang tumawag sa kanya at ipinaalam na pumanaw na si Chokoleit.

Mag-isa raw siyang kumakain sa isang restaurant sa may may Timog, Quezon City, noong gabing iyon.

“Hanggang ngayon, actually, hindi pa ako makapaniwala...”sabi ni K.

Ano ang fondest memory niya sa kaibigan?

“Nakatatlo na kaming vacation together.

"Tuwing magyu-U.S. kami lagi kaming mag-aano niyan, ‘Uy, K, ganyan, ha? Sagot ko yung Airbnb.’

""Tapos magtsi-chip in kami sa pagkain. Wala kaming ginawa kundi magpahinga, mag-tour-tour kuning-kuning.”

Ang iba pang kagrupo nina K at Chokoleit ay sina Vice Ganda, Pokwang, John Lapus, at Pooh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan ni K sa pumanaw na kaibigan, “Siya ang pinaka nakakatawang tao sa mundo, e, para sa akin.

“Gagawin niya lahat, kahit anong masakit o seryoso nangyayari sa buhay, kayang-kaya niyang baliin at kayang-kaya niyang gawing katatawanan.”

Pinaka mami-miss daw niya kay Chokoleit ang mga binibitawang linya nitong sumisikat.

“Aba, siyempre, lahat ng nauusong bitaw na kalokohan, sa kanya nagmula.”

Maging ang mga dalagang anak daw nila ni Pokwang ay tawang-tawa kay Chokoleit.

“Nagbibiruan [kami ni Pokwang] na bigyan ng pera si Chokie para magpatawa.

"Sobrang baliw na baliw natatawa kaming lahat sa kanya."

Natanong din si K kung ano ang mensaheng nais niyang iparating sa pumanaw na kaibigan.

“Bakit? Marami pa dapat tayong show.

"Hindi ko alam, lagi kong ipinagdadasal na sana makausap sa panaginip, baka may gusto kang gawin… Di ko alam… huling habilin.

“So, ngayon… di ko alam…

“Andunpa rin sa kwestiyon na yun, bakit?”


Stories We Are Tracking

Comedian Chokoleit dies at 48
Comedian Chokoleit dies at 48
Chokoleit, halatang nahihirapan na sa huling performance niya
Chokoleit, halatang nahihirapan na sa huling performance niya
K Brosas, Gerald Anderson recall happy times with Chokoleit
K Brosas, Gerald Anderson recall happy times with Chokoleit
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close