GMA-7 executive blames Becky Aguila for Angel Locsin's lack of rest


"Kung hindi siya niraraket ni Becky kung saan-saan, meron siyang araw ng pahinga. Ang araw ng pahinga niya kasi, kinukuha pa ni Becky. Tapos sa GMA isisisi, parang hindi naman tama ‘yun," explains Ms. Redgie Magno-Acuña (right) about Angel Locsin's complaint that she is working too hard on GMA-7.



Pinabulaanan ng isang GMA-7 executive ang pahayag ng kampo ni Angel Locsin na kabilang sa dahilan ng napipinto nitong paglipat sa ABS-CBN ay dahil wala na itong pahinga sa Kapuso Network.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ms. Redgie Magno-Acuña, production manager ng mga naging shows ni Angel sa GMA-7, upang malaman ang kanilang panig sa mga lumalabas na balita.

Ipinahayag ng lady executive na hindi ang GMA-7 ang dahilan kaya nangangarag sa katatrabaho si Angel. Ayon kay Ms. Redgie, ang manager ni Angel na si Becky Aguila ang tanggap nang tanggap ng project sa labas ng GMA-7.

"Hindi totoong hindi namin pinagpapahinga si Angel. Bago pa man matapos ang soap niya na nag-e-air, tinatanong na nina Angel at Becky what's her next project para raw makapag-prepare sila.

"And bakit naman namin siya hindi pagbabakasyunin kung gusto niya? Ayaw lang din namin siyang matengga ng matagal kasi wala siyang income. Si Becky kasi kapag libreng araw niya, isinasalang pa sa kung anu-ano si Angel. Siyempre, dapat naman talagang unahin niya ang network.

"'Yung iba nga humihingi ng trabaho, siya [Angel] nagrereklamo sa trabaho. Kung hindi siya niraraket ni Becky kung saan-saan, meron siyang araw ng pahinga. Ang araw ng pahinga niya kasi, kinukuha pa ni Becky. Tapos sa GMA isisisi, parang hindi naman tama ‘yun," mahabang text sa amin ni Ms. Redgie.

Idinagdag pa niyang kung bakasyon lang daw ang gusto ni Angel ay hindi nito kailangang umalis o lumipat ng network dahil puwede siyang magbakasyon at saka muling magtrabaho pagkatapos.

Limang taon sa bakuran ng GMA-7 si Angel at dito siya nabigyan ng break sa pamamagitan ng youth-oriented show na Click at sumikat sa pamamagitan ng mga TV series na Mulawin, Darna, Majika, at ang pinakahuli ay ang Asian Treasures with Robin Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN