Arjo Atayde reacts to Maine Mendoza's admission about their dating status

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @markednicdao on Instagram

Arjo Atayde says he is very contented with his career and love life. The Kapamilya actor also admits that he is exclusively dating Kapuso star Maine Mendoza.


Si Maine Mendoza na mismo ang umamin sa tunay na estado ng relasyon nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde, 28.

Idinaan ito ni Maine sa pamamagitan ng kanyang blog entry noong March 2, bisperas ng ika-24 kaarawan niya.

Sabi ng Kapuso star sa kanyang blog entry,"Again, without waiting any longer, here's the statement and confirmation you have been waiting for: It's true, I am dating Arjo."

Dagdag pa niya, "We have been going out for quite some time now, sure you know that since we are always on the 'What's the latest chika? section, kahit ang tagal na naming lumalabas.”

Alam ba ni Arjo ang tungkol sa blog entry ni Maine bago ito ipinost?

Tugon ng aktor, “Nope. I think that’s her decision. I didn’t tell her anything.”

Anong pakiramdam na si Maine mismo ang umamin sa publiko tungkol sa kanila?

May kilig na sagot ng aktor, “Masaya po ako. I’m very, very, very happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m contented.”

For the record, ano ang estado ng relasyon nila? Officially together na ba?

Tugon ni Arjo, “We’re exclusively dating. Dun lang po muna.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Arjo sa grand presscon ng bago nitong series sa iWant na Bagman.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant, sa ABS-CBN ELJ Building, nitong Miyerkules ng gabi, March 13.

BAGMAN

Halatang masayang-masaya si Arjo sa pagkapili sa kanya ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment na gumanap bilang bida sa Bagman.

Ito raw kasi ang kauna-unahang palabas na siya talaga ang bida.

Puring-puri naman siya ng kanyang co-stars na sina Alan Paule, Raymond Bagatsing, Chanel Latorre, at Yayo Aguila.

Pati na rin ng kanyang producers na sina Philip King, Shugo Praico (writer/director), at Lino Cayetano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Bagman ay isang socio-political drama na sumesentro sa isang ordinaryong mamamayan, si Benjo (isang barbero, karakter ni Arjo), na nasuong sa isang mapanganib na trabaho matapos malagay sa alanganin ang kanyang barber shop.

Naging bagsakan ito ng kahina-hinalang mga kontrabando na maaaring magpahamak sa kanyang buhay.

Mapapanood sa iWant, sa March 20, ang anim na episodes ng series.

May anim pa itong episodes na mapapanood naman sa susunod na dalawang linggo pagkatapos ng pilot airing.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close