Pooh still in disbelief over Chokoleit's death

IMAGE Instagram / Allan Sancon

Pooh to Chokoleit: "Marami na tayong kasamahan diyan, ikaw ang magpasaya. Basta, ikaw ang magtayo ng entablado diyan."


Emosyunal ang komedyanteng si Pooh at hindi niya mapigilang maiyak nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang mami-miss niya sa namayapang kaibigan at kapwa-komedyanteng si Chokoleit. 

"Siya mismo bilang siya, yung pagkatao niya.

"Ang strong kasi ng personality niyan, pero pag nakita mo, nakilala mo, ang deep.

"Sobra-sobrang layo dun sa nakikita ninyong masayahin.

"Napaka-concerned na tao, nagtsi-check, 'Musta ka?' Ganun. Basta madami."

Pumanaw si Chokoleit noong Marso 9, Sabado, dahil sa pulmonary edema at heart attack.

Ilang dekada nang magkaibigan sina Pooh at Chokoleit, mula noong nagsisimula pa lang sila bilang stand-up comedians, at nanatili silang close kahit pareho na silang napasok sa showbiz.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pooh sa unang gabi ng burol ni Chokoleit noong Marso 11.

Ayon sa komedyante, marami siyang mami-miss kay Chokoleit, na nagsisilbing tagapagpatawa sa grupo nila.

"Sa aming apat, di ba, grupo kami? Chokoleit, Pokwang, K Brosas, ako. Basta pag nandiyan siya, audience kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya yung tagatira sa amin, basta banat siya nang banat, tawa lang kami nang tawa.

"Pero ang di ko makakalimutan sa kanya, nagpunta kami sa isang mall... di ba, pag nananamit siya parang she-male? May mga accessories, may mga butas-butas sa gilid.

"E, may nakita siyang isang damit na may mga tassel-tassel sa likod 'tapos may lace.

"Sabi niya, 'Pooh, bilhin mo ito, o.' Sabi ko, 'Bakit?' Sabi niya, 'isuot mo.'

"Alam mo, minura ko talaga siya, 'Oy, wag mo nga akong inaano sa personalidad mo. Iba yung pananamit mo sa pananamit ko!'

"'Tapos tawa siya nang tawa, mamatay-matay sa katatawa.

"Lagi niyang kinukuwento 'yan pag pinapasuot niya ako ng pambabae."

POOH STILL IN DISBELIEF

Hindi pa rin makapaniwala si Pooh na wala na ang kaibigan at sumakabilang-buhay na.

Aniya, "Siyempre sobrang shocked, hanggang sa ngayon ay di pa rin makapaniwala na siya yung nandidiyan.

"Ang hirap. Nung nag-uusap usap nga kaming tatlo, sabi namin baka nagdyo-joke pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinihintay pa rin naming tumayo, kasi ganyan kasira ulo 'yan, e. Laging nagbibiro...

"Sobrang di namin alam. Basta ewan namin, di pa rin kami makapaniwala.

"Hanggang ngayon, tsine-check ko ang mga texts niya."

Napanood din daw ni Pooh ang kumalat na video online ni Chokoleit habang nagpe-perform ito sa Abra, pero di rin niya ito nagawang tapusin.

Aniya, "Pinanood ko pero yung kaunting part lang, mabigat sa dibdib kasi.

"Mabigat sa dibdib lalo na nasabi sa akin firsthand kung ano yung nangyari, so alam ko na yung mangyayari kaya di ko na siya pinanood.

"Tinapos niya. Ganun naman si Chokoleit, kung ano ang nararamdaman niya, tuluy-tuloy lang."

HARD-HEADED CHOKOLEIT

Ayon kay Pooh, may history na talaga ng sakit sa baga si Chokoleit.

Ibinahagi niya sa PEP.ph na minsan nang inatake si Chokoleit ng sakit habang nasa eroplano sila pauwi galing Canada for a series of shows. 

Pag-alala ni Pooh, "Mayroon siyang history, pero di ko alam kung nagpapa-check siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang di ko alam kasi siyempre may kanya-kanya din kaming, ano, ganap.

"Pag nagkukuwentuhan kami, nasasabi naman niya na oo daw, nagpapa-check daw siya. Di ko rin naman alam.

"Sa Canada, iniinda na niya 'yan, parang hinihika nga, 'tapos sa eroplano nag-oxygen ng dalawang beses.

"Akala niya may hika lang siya, nag-nebulizer. Nung pina-check niya, pneumonia pala. 2015 pa 'yan."

Tinanong din namin si Pooh kung may naiisip ba siyang premonition na ipinaramdam ang kaibigan sa mga naging pag-uusap nila.

Sagot nito, "Last naming mag-usap last month, pinag-uusapan namin ang tungkol sa insurance kasi kakakuha ko lang nung life plan ko.

"Sabi ko sa kanya, 'O kakakuha ko lang ng plan, cremation ang gusto ko, ayoko ng binuburol-burol. Gusto ko cremate muna saka ako ibuburol. Gusto ko ganun, wala ng memories.'

"Ayoko na yung body ko 'tapos pupuntahan, masakit sa dibdib.

"Sabi niya, 'Ako rin, gusto ko ganun.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'O mayroon ka na?' 'Oo, mayroon na ako.'

"'May healthcard ka na?' Sabi niya, 'Oo, kumpleto ako diyan.'

"Pero kasi, alam mo pag inaano mo siya, alam mo na wala siya.

"Pag tinanong mo yun, sasabihin nun, 'O, mayroon na, ang kulit mo.'

"Pagagalitan ka pa niyan, so di ko na inuurirat." 

Patuloy na lahad ni Pooh, "Isang friend namin na accupuncturist nag-text sa akin nung nangyari 'yan.

"Nung two years ago, tinatanong ko 'yan kung bakit di nagpupunta dito?

"Kasi itse-check niya na raw, iti-treat niya kasi may something daw sa heart, may something daw sa lungs.

"Kasi hindi yun nagti-treat ng di coming sa doctor din, so findings, saka siya nagti-treat din." 

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Pooh kay Chokoleit.

Aniya, "Lagi ko naman, di naman ako nagkulang ng pagsasabi ng, 'I love you.'

"Masasabi ko na lang marami na tayong kasamahan diyan, ikaw ang magpasaya. Basta, ikaw ang magtayo ng entablado diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap, bilang na bilang kasi bilang na bilang sila sa kamay ko tapos nalagasan pa.

"Basta ang hirap, ewan ko. Yun lang ang masasabi ko, ewan ko. Para siyang panaginip.

"Sabi ko, 'Bakit of all people ikaw pa? Ayoko namang ipanalangin ang ibang tao, pero bakit ikaw?'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN