Ericka Villongco: "I would rather have fake boobs than a fake personality."

IMAGE @erickaxx on Instagram

Ericka Villongco seems to take a swipe at someone when she commented about copying a famous American TV personality, who is not her current boyfriend's ex-girlfriend. Recently, Ericka spoke up about calling Nadine Lustre a copycat. Nadine is the current girlfriend of James Reid, Ericka's ex-boyfriend.


Umani ng magkakahalong reaksiyon ang exclusive interview sa U.S.-based singer na si Ericka Villongco na nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong March 13, Miyerkules.

Sa artikulong may titulong “Ericka Villongco no regrets calling Nadine Lustre ‘copycat,’” mababasa rito ang reaksyon ni Ericka hinggil sa diumano’y panggagaya sa kanya ni Nadine, base sa mga pagkakahawig ng kanilang Instagram posts.

Nagsalita rin siya tungkol sa mga batikos at masasakit na salita ng netizens laban sa kanya dahil sa pagiging ex-girlfriend ni James Reid, na ngayon ay boyfriend ni Nadine.

Wala raw siyang intensiyong manira ng reputasyon, pero hindi nangiming ipahayag ni Ericka na ginagaya ng current girlfriend ni James ang kanyang istilo.

Sa hiwalay na interview ay itinanggi ni Nadine na ginagaya niya si Ericka.

ERICKA'S NEW POSTS ON INSTAGRAM STORY

Kaugnay pa rin ng kanyang interview sa PEP.ph, sunud-sunod ang posts ni Ericka sa Instagram Story nitong Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang unang IG Story ay ang screenshot ng artikulo sa PEP.ph at inilagay niya sa caption: “i had absolutely no filter in this article this is the last time i’m clearing the air & taking [sic] about this bullshit..”

Ang sumunod na IG Story ay screenshot ng statement ni Ericka na mababasa sa artikulo.

Nagpasalamat din siya sa PEP.ph “for allowing me to have an unfiltered voice.”

Hindi rin napigilan ni Ericka na maglabas ng hinaing tungkol sa local entertainment industry.

“fuck the fame, fuck fake media, fuck the stigma of shitty Philippine showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi binanggit ni Ericka ang pinanggagalingan ng pahayag niyang ito, pero maraming beses na siyang naisulat, at madalas ay tungkol sa nakaraang relasyon nila ni James ang topic, o kaya ay ang pamba-bash sa kanya ng fans nina James at Nadine.

Ipinost din ni Ericka ang negatibong reaksiyon ng isang netizen na idinaan sa private message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe ng netizen, “Fuck your fake b00bs bitch!!!”

Sagot naman ni Ericka rito, “would rather have fake boobs than a fake personality.”

Aminado si Ericka na sumailalim siya sa breast augmentation o pagpapagawa ng dibdib.

Sa isa pang IG Story post, mababasa ang pagsuporta ng isang netizen kay Ericka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe ng netizen, kung nagpagawa man si Ericka ng boobs ay choice niya iyon, sariling pera niya ang ginamit, at hindi nanggagaya ng iba.

At kung akusahan man daw siyang ginagaya ang American TV personality na si Kylie Jenner, compliment pa rin dahil sikat si Kylie.

Makahulugan ang sagot ni Ericka, na tila may pasaring.

Aniya, hinahangaan niya si Kylie, pero marami siyang hinahangaan at ginagayang Instagram models.

“but kylie isn’t my boyfriends ex gf [laughing emoji],” post ni Ericka.

Dinepensahan din ni Ericka ang sarili sa mga nag-aakusang nagpa-interview siya para sumikat.

“if people think i’m doing this for the fame, please note, pep approached me & i’m just out here saying my peace [sic]. everyone deserves to express themselves.”

Aniya pa, "i would never trade the life i live, my privacy, freedom and happiness for fame, money or anything for that matter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinost din ni Ericka ang private message mula sa isang tagasuporta na pinatutungkulan ang isyu ng diumano’y panggagaya sa kanya.

Mensahe ng supporter: “FINALLY!!! WE OGs KNOW. WE GOTCHU”

Ang OG ay acronym para sa slang phrase na “original gangster” at ginagamit para tukuyin ang pagiging “original.”

Nananatili namang tahimik ang kampo ni Nadine tungkol sa mga pahayag na ito ni Ericka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Ericka Villongco no regrets calling Nadine Lustre 'copycat'
Ericka Villongco no regrets calling Nadine Lustre 'copycat'
Nadine Lustre denies copying style of James Reid's ex-GF
Nadine Lustre denies copying style of James Reid's ex-GF
Ericka Villongco proud of her boob job
Ericka Villongco proud of her boob job
James Reid's ex-GF asks JaDine fans to stop bashing her
James Reid's ex-GF asks JaDine fans to stop bashing her


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN