Arjo Atayde denies causing AlDub breakup

IMAGE Noel Orsal

Arjo Mendoza on his and Maine Mendoza's bashers: "Deadma na lang siguro, deadma na nga ako, e. I’m happy nga, katulad nung sinabi ko kanina, kuntento na po ako. I’m just really, really happy. And I see her happy and I think that’s all that matters to me.”


Sa napipintong pagkabuwag ng AlDub—ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza—maraming fans ang sinisisi ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ito ay dahil sa pag-amin nina Arjo at Maine na exclusively dating na sila.

Ano ang masasabi ni Arjo tungkol dito?

“A, hindi naman po… sa pagkabagsak?” balik-tanong niya.

Sa pagkabuwag?

Sagot ni Arjo,  “A, hindi ko po alam. Hindi ko po alam yun.

"But I’m on the personal side, yun lang po masasabi ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa grand press conference ng Bagman, ang bago niyang socio-political series na mapapanood sa iWant sa darating na March 20.

Ang Bagman ay mula sa Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

WORTH FIGHTING FOR

Nakaramdam daw ng kalayaan sina Arjo at Maine ngayong pareho na nilang inamin sa publiko na sila ay exclusively dating.

Ngunit hindi maiiwasang may fans pa rin ng tambalang AlDub na mambash sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero deadma na raw ang dalawa tungkol dito.

Pahayag ni Arjo, “’Cause we’re both really happy.

“I am very, very, very, happy and I think that’s what matters now.

“And the career, ABS-CBN is taking good care of me, life is good.

“My family is fine, they’re all doing good.

“I’m very happy, kuntento po ako ngayon so far.”

Noong kasagsagan ng paglabas ng sightings nina Arjo at Maine, ang Kapamilya actor ang nakikipaglaban sa bashers ng Kapuso star.

Saad ni Arjo, “As I said last time, she’s worth fighting for.

“So, you know, deadma na lang siguro, deadma na nga ako, e.

“I’m happy nga, katulad nung sinabi ko kanina, kuntento na po ako.

“I’m just really, really happy.

“And I see her happy and I think that’s all that matters to me.”

FREEDOM TO POST

Ngayong exclusively dating na sina Arjo at Maine, may laya na rin silang mag-post sa social media ng mga larawang magkasama sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 28-year-old Kapamilya actor, “Yes po, having the freedom of posting doesn’t make us post even more.

"Kasi I don’t think na basehan po ng… paano ko ba sasabihin, ng relationship yung pag-post nang pag-post nang pag-post.

“Of course, we want it private, we want it private as much as we can.

“Di ko naman sinasabing private na ano but, of course, yung sa amin, what you see is what you get na lang.”


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN